Jaya to late mom Elizabeth Ramsey: ''You were my rock and supporter.''

IMAGE @jayasoul on Instagram

Soul Diva Jaya is happy that her late mom Elizabeth Ramsey's wishes for her career are slowly coming true. Jaya welcomes all the new opportunities coming her way since her transfer to ABS-CBN last week.


Nagbahagi sa Instagram ang Soul Diva na si Jaya ng kanyang pangungulila sa inang si Elizabeth Ramsey na namayapa na noong nakaraang taon.

Dito ay binanggit ng bagong Kapamilya kung gaano niya na-miss ang ina na kanyang ikinunsiderang kanyang "rock."

Panimula ni Jaya, “Hay naku Ma, ang dami nang nangyayari na dati pinag uusapan lang natin.

“Lahat ng sinabi mo nangyari talaga...sayang wala ka dito para makita na nasagot na ng Diyos ang mga dasal mo para sa akin at pamilya ko.”

Ang tila nasagot na dasal na tinutukoy ni Jaya ay ang maraming oportunidad na dumating sa kanya ngayong nasa ABS-CBN na siya.

Regular hurado na si Jaya sa sikat na segment ng It’s Showtime na "Tawag Ng Tanghalan."

Dagdag pa ng singer, “But i know that you are witnessing all of these from heaven na ganyan din ang smile.

“Ma, salamat sa lahat ng itinuro mo sa akin, sa lahat ng agreements at disagreements na pinagdaanan natin, sa maraming beses na pinatawad mo ako, sa lahat ng oras na minahal mo ako. You were my rock and supporter, teacher and friend.”

Biro pa niya, magkikita rin daw silang muli pero huwag naman daw muna ngayon. Pumanaw ang beteranang singer-comedian noong October 2015.

Pagtatapos ni Jaya, “Mahal kita and miss na kita at ng mga bata...pero magkikita rin tayo sa huli, pero wag muna ngayon Ma ha?

“Kayod lang muna ako at mag nanay kina Sab at Dylan...relax ka lang sa tabi ni Jesus.

“I’m sure ang saya saya mo jan sa heaven.”

Hay naku Ma, ang dami nang nangyayari na dati pinag uusapan lang natin. Lahat ng sinabi mo nangyari talaga...sayang wala ka dito para makita na nasagot na ng Diyos ang mga dasal mo para sa akin at pamilya ko. But i know that you are witnessing all of these from heaven na ganyan din ang smile ???? Ma, salamat sa lahat ng itinuro mo sa akin, sa lahat ng agreements at disagreements na pinagdaanan natin, sa maraming beses na pinatawad mo ako, sa lahat ng oras na minahal mo ako. You were my rock and supporter, teacher and friend. Mahal kita and miss na kita at ng mga bata...pero magkikita rin tayo sa huli, pero wag muna ngayon Ma ha? Kayod lang muna ako at mag nanay kina Sab at Dylan...relax ka lang sa tabi ni Jesus ???????? Im sure ang saya saya mo jan sa heaven ?????????????????????????????????? #togodbetheglory #thankyoujesus

A photo posted by jaya ramsey gotidoc (@jayasoul) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN