Ken Alfonso doesn't discount the possibility of having a gay benefactor: "Tao lang naman tayo, di ba?"

IMAGE Noel Orsal

Ken Alfonso doesn't discount the possibility of having a gay benefactor: "Itong mga taong ito, tumutulong naman din sa pag-build ng career mo, at gina-guide ka nila kumbaga, kung paano ka magiging successful din."


Natutuwa na naiinis” daw ang Kapuso talent na si Ken Alfonso sa bashers niya sa social media na nilalagyan ng malisya ang recent U.S .trip niya, na diumano'y may gay benefactor siya kaya nakaka-afford siyang bumiyahe sa Amerika.

Paliwanag pa niya, “Natutuwa, it’s because parang nakikilala rin ako, napapansin nila ako.

Naiinis naman, sometimes nakaka-bad trip kasi, alam mo yun?

Parang minsan sinasabihan pa nga ako na ang tagal-tagal ko raw nag-a-apply for visa sa U.S.

E, sa isip ko naman po, first time ko lang mag-apply ng visa sa U.S. and luckily I got a ten-year visa.

So, yun lang mga inconsistencies ng mga stories.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa presscon ng That Thing Called Tanga Na, na ginanap noong Huwebes, July 21, sa Valencia Events Place, sa Quezon City,

PRODUCT OF HARD WORK. May mga nang-iintriga na sa wakas ay nakauha siya ng visa dahil mayroon diumano siyang malakas na 'sponsor.'

Pahayag dito ni Ken, “Sa akin, okay lang po yun.

“Basta ako nakapunta na ako ng U.S., bahala na sila kung ano ang iisipin nila.”

Deretsahang sinabi ni Ken na wala siyang gay benefactor sa kanyang U.S. tour.

Diin niya, “Wala po, wala po!

Kasi ang mga kasama ko dito, mga barkada.

Tsaka given the fact na nagtrabaho talaga ako, at saka bago ko po binitiwan kasi yung aking work before sa corporate [field], I made sure na meron akong mga back-up na money para sa mga ganitong klaseng buhay.

So, ngayon din po, nagbi-business din po ako ngayon, like sa restaurant.”

Two weeks nagbakasyon si Ken sa U.S.

Dun po ako nag-New Year, e.”

SETTING THE RECORD STRAIGHT. Taas-noo bang masasabi ni Ken na wala siyang karelasyong mayamang bading?

Sa totoo lang, sana meron niyan, e!” natawang sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasi wala namang masama, e.”

Ibig niyang sabihin, kapag may nag-offer o nanligaw, tatanggapin niya?

Tugon ni Ken, “Okay lang naman, kasi number one, hindi ko naman po mapipigilan yun, kung meron man kung saka-sakali.

Number two, nasa tamang pag-uusap naman po, na parang puwede namang barkada or parang maging kaibigan mo.”

So, tatanggihan pala niya? Hindi pala siya open sa relasyong lalaki at bading kung sakali?

Siguro po, barkada po talaga. Mas okay naman din po.”

OPEN TO POSSIBILITIES? May chance ba na masilaw siya kung sobrang laki na ang iaalok sa kanya?

Pag-amin ni Ken, “Sa totoo lang, tao lang naman tayo, di ba?

So, alam mo yung kaya ka nga nagsusumikap para magkaroon ka ng mga materyal na bagay na gusto mo, bago ka man lang siguro mamatay.

Pero in a way, iwe-weigh mo kasi kung nandudun na ba sa point na parang nanloloko ka na ba ng tao?

Or nandudun ba sa point na parang, kung gusto rin naman niya, parang gusto ko rin naman?”

Hindi lang siguro madiretso ni Ken, pero at least naging honest siya sa pagsasabing posible.

Siguro, oo nga po. Kasi kumbaga, tao lang naman po tayo.”

Alam ni Ken na karamihan sa mga gays ay may naitutulong sa mga lalaki.

Itong mga taong ito, tumutulong naman din sa pag-build ng career mo, at gina-guide ka nila kumbaga kung paano ka magiging successful din.”

FOOD BUSINESS. Recently, sa Maldives naman nagbakasyon si Ken, na pinag-ugatan na naman ng panibagong intriga laban sa kanya.

Matagal ding nagbakasyon doon si Ken, kaya may mga nagtaas ng kilay, lalo pa nga at kilala ang Maldives na pasyalan ng mayayaman.

May nagtatanong pa nga kung paano na-afford ni Ken ang ganoong klaseng bakasyon.

Pahayag ni Ken, “Ayun nga po, bago naman po ako pumunta sa isang lugar, iniisip ko din naman yung budget ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

E, may mga bagay talaga na pag-iipunan ko.

Kasi before, malakas ako lumabas, so ngayon hindi na ako masyadong lumalabas, nakakaipon ako.

Tapos, yung raket-raket na kumakanta [out-of-town shows], nag-iipon naman po ako.

Tapos, yung mga, let’s say meron akong business, maraming orders sa akin...

Imagine, ang business ko po kasi, almost every week talaga, meron akong orders.”

Nagluluto at nagde-deliver ng mga pagkain si Ken with his business na Garlic and Peppermill.

Pagmamalaki niya, “Delivery pa lang po siya, so bale umupa po ako ng maliit na apartment sa Cubao, tapos dun ako nagluluto.

Meron po ako ngayon na commissary. Nag-upa na rin po ako ng commissary para ma-sustain.

Ang bestseller ko po dun yung crispy pork belly and yung mga pasta ko.”

Si Ken raw mismo ang gumastos ng Maldives trip niya at hindi kung sino.

Bale ang ano po kasi diyan, nag-ano po kami, parang nag-paluwagan umpisang-umpisa. Ang tagal na po naming ginawa yun.”

Mga barkada rin daw niya ang kasama niya sa Maldives.”

Tinanong din si Ken tungkol sa bago niyang kotse na iniintriga rin ng mga bashers.

Paliwanag niya, “Ang ano po kasi, ganito po, nag-down lang po ako, tapos every month ko na lang siya binabayaran.

So, five years ko siya, yung kinuha ko sa bangko, hindi siya cash.”

STILL WITH MERCATOR. Nilinaw naman ni Ken ang usap-usapang dahil sa pagkakaugnay niya sa mga ganitong balita ay binitiwan na siya ng manager niyang si Jonas Gaffud ng Mercator Artist and Model Management.

Sabi niya, “Hindi po totoo. Kay Jonas pa rin po ako.

Busy lang po siya, like ngayon nasa U.S. siya ngayon.

So, medyo focus kasi siya dun sa kanyang ano ngayon, sa Miss Universe.

So, okay lang, may mga projects naman po, hindi naman po ako napapabayaan sa ngayon.”

Wala daw silang gap ni Jonas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala po.

In fact nag-sign na nga po ako ulit ng kontrata with GMA, another year po.

Sa kanya [Jonas], matagal po ako [kontrata] sa kanya, e.”

Co-managed ng Mercator ang GMA sa pangangalaga sa showbiz career ni Ken.

Posible kayang kaya siya iniuugnay sa gay benefactors ay dahil wala siyang girlfriend ngayon?

Sagot niya, “Hindi, kasi po ngayon medyo mahirap po yung sistema.

Ngayon nag-aaral pa ako, tapos siyemrpe yung focus ko ngayon sa budgeting ko, dun muna ako nag-aano sa business.

So, eventually magkakaroon din, nasa plano ko po 'yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN