Maraming mga artista noong eleksiyon ang hindi pinayagang hayagang mag-endorso ng kanilang napupusuang kandidato, lalo na sa pagka-presidente.
Katulad na lamang ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual.
Sabi niya noon, “Opo, mayroon [akong ieendorso].
“It’s crucial, e, this election is crucial para sa bayan natin.
“And I wanna be able to use my influence para at least magamit naman natin ang tamang paraan ng pagkakampanya sa gusto natin.
“It will define the next six years of the Philippines, economy-wise, and it's important for us to know who are we gonna vote for.”
Read: Piolo Pascual to endorse a presidentiable in 2016 elections
PRO-DIGONG. Pero kahit tapos na ang eleksiyon ay hindi pa rin malinaw kung sino ang sinuportahan at ibinoto ng aktor.
Sa event ng Silkamazing @ 15 noong Sabado, July 23, inamin ni Piolo na si Rodrigo Duterte ang kanyang sinuportahan.
Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’ve always been pro-Digong ever since.
“Every time I would go to Davao, pinipilit kong maka-meet siya.
"And hindi lang ako pinayagang mag-endorse [openly], pero I’ve always been for Digong.”
Hindi na nadagdagan pa ang pahayag ni Piolo dahil tinawag na siya upang mag-perform sa event.