Maine Mendoza: "I would never change who I am just to conform."

IMAGE Noel Orsal

Maine Mendoza: "Live your life the way you want to be and stop seeking for people's approval in everything you do. Accept the reality that you cannot please everybody and we are not born to do that."


Hindi kailangang pasayahin ang lahat ng tao.

Hindi kailangang magbago para matuwa ang lahat sa iyo, at ang tunay na nagmamahal sa iyo ay tatanggapin ka kung sino ka.

Ito ang buod ng artikulo ni Maine Mendoza na isinulat niya sa kanyang blog na mainemendoza.com at may titulong "That's how it works."

Simula ng Kalyeserye star, sa isang taon niya sa showbiz, marami siyang natutunan sa industriya—pangit at maganda.

Kuwento ni Maine, nagsimula ang kanyang pagmumuni-muni nang may insidente kung saan may ibang tao siyang kailangang i-please.

Sinabihan siya ng isang malapit na kaibigan na ito raw ang kalakaran sa industriya, pero hindi sang-ayon dito si Maine.

Pahayag ng Eat Bulaga! host, “If there is one thing in this world that I would never do, that would be it – pleasing people.”

Dagdag pa niya, maraming mapagpanggap sa showbiz.

“We are in a world full of pretentious beings.

“Especially in my case, I am living in a world full of barbies – and no, it ain’t fantastic.

“Some people have really mastered the art of pretension.

“Why bother trying to be someone you are not when you can just be yourself?

“Why seek for people’s approval on how to live your life?

“Why let other people’s opinions define you?

“Is that how it should work?”

Sabi pa ni Maine, marami ang nagsasabi sa kanya kung ano ang dapat gawin upang magustuhan siya ng ibang tao.

“But I kept on telling them NO– I don’t think I need to be all these 'this' to be liked by people.

“I do not need and want to pretend to be someone I am not and do something I am not willing to do just to be loved and 'accepted' by the people in this 'barbie world.'

“I would never change who I am just to conform to the norms of this industry.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin niya: “If there is one thing people should always remember, that’d be this: We are not born to please everybody.”

Hindi raw kailangang baguhin ang sarili para magustuhan ng ibang tao.

Mayroon at mayroon daw taong hindi ka magugustuhan.

“You do not need to change who you are as a person just to be adored by others.

“There will always be people who will dislike you and will try to bring you down; and no matter how good of a person you are, they will always have something bad to say about you– and that’s alright, c‘est la vie.”

Pahayag ni Maine, ang importante ay kung paano mo nakikita ang sarili mo at hindi mo kayang kontrolin kung ano ang iisipin ng ibang tao sa ‘yo.

Hindi rin daw siya sang-ayon na baguhin ang sarili upang matuwa lamang ang ibang tao sa iyo.

“Live your life the way you want to be and stop seeking for people’s approval in everything you do.

“Accept the reality that you cannot please everybody and we are not born to do that.

“Always be true to yourself and to those around you and remain that way– that would be enough.

“Remember that there will always be people who will love you; but it’s best to be loved for who you really are than who you are trying to be.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN