Luis Manzano echoes Maine Mendoza's view on pleasing others: "Those are all correct.'"

IMAGE Noel Orsal

Sinang-ayunan ni Luis Manzano ang pananaw ni Maine Mendoza tungkol sa pagpapakatotoo bilang tao at artista. Ayon sa Dubsmash Queen, "Live your life the way you want to be and stop seeking for people's approval in everything you do."


Isang blog entry ang ibinahagi ng Dubsmash Queen na si Maine Mendoza nitong nakaraang Linggo, July 24.

Naglalaman ito ng kanyang pananaw tungkol sa pagkilos niya bilang artista para sa ikasisiya at ikasasaya ng ibang tao.

Ayon kay Maine, sa isang taon niya sa showbiz, napag-isip-isip niyang hindi naman kailangang baguhin ang kanyang sarili para sa iba.

Sabi pa ni Maine sa kanyang entry na may pamagat na That’s how it works, “How others see you is none of your business, at the end of the day what matters most is how you see yourself.

“You cannot control how others see you and think of you. I do not think there is a need for you to pretend to be someone else in front of people just so they’d say good things about you.

“For as long as you know that you have done nothing wrong to anyone then I don’t think there’s something for you to be worried about.

“Live your life the way you want to be and stop seeking for people’s approval in everything you do.”

Read: Maine Mendoza: 'I would never change who I am just to conform.'

“ALL THOSE ARE CORRECT.” Kaugnay nito, ilang fans ni Maine ang nag-screenshot ng naturang blog entry at ini-upload sa Twitter.

Tinag naman ng ilan ang TV host at Kapamilya star na si Luis Manzano.

Marahil ay may kinalaman ito sa pagpapahayag ni Luis ng kanyang saloobin sa bashers at pagpatol sa mga ito.

Sinang-ayunan naman ni Luis ang naging pananaw ni Maine.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Luis, sa pamamagitan ng Facebook messaging ngayong umaga, June 25, sinabi ng Kapamilya star na sumang-ayon lang siya tungkol sa nilalaman ng post.

Sabi ni Luis, “Her fan tag me ata sa post niya sa blog niya, nag-agree lang ako sa post.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN