Mark Herras ready to settle down with girlfriend Winwyn Marquez in two years

IMAGE Rose Garcia

Short of putting the ring on her finger, Mark Herras is totally committed to girlfriend Winwyn Marquez: "Singsing na lang ang kailangan. Ngayon lang ako naging sigurado sa buhay ko sa gagawin ko."


Iba ang aura ngayon ni Mark Herras at epekto raw yun ng girlfriend na si Winwyn Marquez sa kanya.

“Yes! Winner!” bulalas ni Mark.

Kasalan na ba?

Natawa si Mark saka sinabing, “Well, nasasabi ko naman talaga, yung kasal, madali siyang sabihin sa pagsasalita.”

Napag-uusapan na nila?

“Yes, yes,” pag-amin ni Mark.

“Pero para ako yung lalaking ready na magpakasal sa kanya is patunayan na kaya ko na siyang buhayin.”

Hindi pa niya kayang buhayin ang girlfriend?

“Give me mga about two years, kailangan mas marami pa.”

Payag naman daw si Winwyn sa kanyang timetable kaya para na rin siyang nag-propose dito ng kasal.

Natatawang sambit ni Mark, “Siguro singsing na lang ang kailangan!

“Ako, I’m very open and vocal about it.

“Ngayon lang ako naging sigurado sa buhay ko sa gagawin ko.”

WINWYN FOREVER. Dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa taping ng Sa Piling Ni Nanay sa Angeles City noong July 20.

Pinaalala namin sa kanya si Mark na ang huling relasyon niya na matagal din, kay Ynna Asistio, ay nauwi sa wala.

Pero paniniguro niya, “Well, not this time.

“Well, I don’t like to talk about anything else.

“Si Win kasi, siya lang ang gumawa ng lahat ng bagay na ito for me.

“I mean, hindi ko siya gustong pakasalan dahil lang nagkaroon ako ng business.

“Siya kasi yung talagang nagpu-push sa akin to be a better person.

“Like, kami, may three food stalls na at may isa pang inaayos.

“Inaayos din niya ang pagpupuwestuhang school, may mga maku-close ako na personal project ko.

“Natutuwa siya, like, ‘Ga, may ganitong offer,’ bilang ako before… okey lang ako nang okey.

“Ngayon, ‘Ga, manghingi ka ng kontrata, tingnan mo yung ganito.’”

Confident siya na hindi rin magbabago si Winwyn?

Sagot ni Mark, “I know her for ilang years na and we started as friends, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi sa sinisigurado ko or itinataas ko ang bangko ko.

“Pero I’m hoping, at hindi ako naniniwala na gagawin ni Win yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN