Liza Diño gives update on arts and culture project with President Rodrigo Duterte

IMAGE Reielle Deslate

Nakipagpulong na sina Liza Diño at Aiza Seguerra sa Malacañang tungkol sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas lalo pang pagyamanin ang sining at kultura ng bansa. Marami raw silang napag-usapan na batid niyang makakatulong nang malaki sa pagyabong ng sining at kultura sa bansa.


Nagbigay ng update si Liza Dino tungkol sa pakiusap ni President Rodrigo Duterte na tulungan siya upang mapaunlad ang sining at kultura ng bansa.

Sa kanyang Instagram post kahapon, July 24, sinabi ni Liza na nakipag-meeting na sila ng partner niyang si Aiza Seguerra kay Secretary to the Cabinet Jun Evasco tungkol dito.

Inilatag na nila kay Sec. Evasco ang nakalap nilang mga suhestiyon mula sa ilang mga sektor.

Sabi ni Liza, "On Duterte Administration and the Arts and Culture Sector:

"We just had a meeting in Malacanang with Cabinet Secretary Jun Evasco as we explored initial talks (based on collated proposals from various cultural organizations) towards the president's directive to give attention to the Arts and Culture sector.

"We are very pleased to know that the thrust of the Duterte administration's SOCIAL AGENDA is to give importance to culture as one of the main components in NATION BUILDING.

"According to Cabinet Secretary Evasco, in line with the President's mandate on UNITY, culture plays a big role in bringing back our nationhood. Sabi nya, desire ng Pangulo na pagdating ng panahon, wala ng marginalized.

"Lahat tayo ngayon ay stakeholders sa pagbabagong dala ng gobyernong ang layunin ay paglingkuran ang sambayanan.

"Marami pa ang kailangang mapag-usapan tungkol sa isyung ito. But for now, malaking bagay ito para sa sining at kultura."

CREATIVE INDUSTRY. Sabi pa ni Liza, hangad din nilang maging creative industry ang arts and culture.

"In time, sana'y makita rin ng ating gobyerno ang potential ng arts and culture sector bilang creative industry.

"Napakayaman ng Pilipinas sa talento at cultural goods—as we simultaneously work on propagating cuture and arts across the nation, pwede nating sabayan ng mga programa para ihanda ang bansa as a creative economy."

Hindi rin daw kasi matatawaran ang talento ng Pinoy pagdating sa mga laban nito sa ibang bansa, kung saan palagi raw tayo namamayagpag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman sana raw ay pagyamanin pa ng gobyerno ang mga yamang ito ng bansa.

Saad ni Liza, "Global competitiveness—namamayagpag ang Pilipinas pagdating sa mga patimpalak kung saan lagi tayong nananalo.

"From film festivals, to dance, to visual arts, literary arts, music, at iba pang larangan, talaga namang hindi nagpapatalo ang Pinas. It's about time we see this as an asset at pagyamanin:))

"Ramdam ngayon ang mga nag-aalab na damdamin ng ating mga alagad ng sining. We are but humble spectators of what's been happening.

"Maraming plano para maging inclusive ang pagbuo ng Cultural agenda. Ayokong ipre-empt.

"Sana lang lahat tayo ay magkaisa at maging positibo para sa hakbang na ito. And more importantly, TRUST that those who are actively participating in putting this together have our best interests in mind."

On Duterte Administration and the Arts and Culture Sector We just had a meeting in Malacaang with Cabinet Secretary Jun Evasco as we explored initial talks (based on collated proposals from various cultural organizations) towards the president's directive to give attention to the Arts and Culture sector. We are very pleased to know that the thrust of the Duterte administration's SOCIAL AGENDA is to give importance to culture as one of the main components in NATION BUILDING. According to Cabinet Secretary Evasco, in line with the President's mandate on UNITY, culture plays a big role in bringing back our nationhood. Sabi nya, desire ng Pangulo na pagdating ng panahon, wala ng marginalized. Lahat tayo ngayon ay stakeholders sa pagbabagong dala ng gobyernong ang layunin ay paglingkuran ang sambayanan. Marami pa ang kailangang mapag-usapan tungkol sa isyung ito. But for now, malaking bagay ito para sa sining at kultura. In time, sana'y makita rin ng ating gobyerno ang potential ng arts and culture sector bilang creative industry. Napakayaman ng Pilipinas sa talento at cultural goods----as we simultaneously work on propagating cuture and arts across the nation, pwede nating sabayan ng mga programa para ihanda ang bansa as a creative economy. Global competitiveness----namamayagpag ang Pilipinas pagdating sa mga patimpalak kung saan lagi tayong nananalo. From film festivals, to dance, to visual arts, literary arts, music, at iba pang larangan, talaga namang hindi nagpapatalo ang Pinas. It's about time we see this as an asset at pagyamanin:)) Ramdam ngayon ang mga nag-aalab na damdamin ng ating mga alagad ng sining. We are but humble spectators of what's been happening. Maraming plano para maging inclusive ang pagbuo ng Cultural agenda. Ayokong ipre-empt. Sana lang lahat tayo ay magkaisa at maging positibo para sa hakbang na ito. And more importantly, TRUST that those who are actively participating in putting this together have our best interests in mind. #positivephilippines

A photo posted by Liza Dio-Seguerra (@lizadino) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN