Did the first SONA of President Rodrigo Duterte make you cry?

IMAGE @RTVMalacanang on Twitter

"Wala na 'to sa script. I assure you this will be a clean government," President Rodrigo Duterte tells the Filipinos at his first State of the Nation Address.


Katulad ng kanyang mga nakaraang talumpati, may ilang pagkakataong nalihis si President Rodrigo Duterte sa inihandang speech para sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).

Habang inilalahad ang kanyang plano sa mga napapanahong isyu sa bansa, hindi naiwasan ni Duterte na magbigay ng ibang pahayag upang idiin ang pangunahing layunin niya bilang bagong presidente ng bansa—ang panatilihing malinis ang gobyernong kanyang pamumunuuan.

Sa isang bahagi, sinabi ni Pres. Duterte, “Wala na 'to sa script. I assure you this will be a clean government.”

Ilang beses din niyang idiniin ang mahigpit na pagpapatupad ng batas sa buong bansa.

Nang minsang mawala siyang muli sa script, natatawang sinabi ni Duterte, “Two-third of this are mine, the others are...”

Kapansin-pansin din na ilang beses niyang pinalaktaw ang kanyang speech sa teleprompter operators.

“Yung teleprompter, natutulog na sa papindot-pindot diyan,” biro pa ni Pangulong Duterte.

WELL-APPLAUDED POINTS. Umabot ng mahigit 60 applause ang natanggap ni Duterte sa kanyang unang SONA.

Ilan sa matinding pinalakpakan ng mga nasa Batasang Pambansa ang mga sinabi niya tungkol sa pagpuksa ng problema sa droga, pagbaba ng income tax rate, pagsulong ng mga batas para sa bank secrecy, at responsible parenthood.

Binigyang-diin din niya ang unilateral ceasefire sa pagitan ng Communist Party of the Philippines, New People's Army, at National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Nangako rin si Duterte tungkol sa pagpapabilis ng pagproseso ng government documents at pagreresolba ng problema sa public transportation.

At para sa millenials, ito ang gustong mangyari ni Duterte:

TEARJERKER SPEECH? Bago ang SONA, inihayag ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na naiyak siya nang mabasa ang speech ni President Duterte.

Sinabi rin niyang may announcement ang presidente na "ikalalaglag" natin sa ating mga upuan.

Pero tila hindi ganito ang naramdaman ng mga nanood ng pag-deliver ni Duterte ng kanyang SONA.

May ilang beses din kasing nagbiro ang presidente sa kanyang talumpati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NUMBERS THAT MATTER. Samantala, narito ang ilang mahahalagang numero sa unang SONA ni Pres. Duterte:

Nagsimula ang kanyang SONA ng 4:05 P.M.

Ito ay tumagal ng 1 oras at 32 minuto, o lampas 56 minuto sa orihinal na haba sana nitong 38 minuto.

Ang unang SONA ni Presidente Duterte ay dumaan din sa 20 revisions, ayon kay Sec. Andanar.

Habang kinakanta ni Bayang Barrios ang “Lupang Hinirang,” 4 na beses na nawala ang audio sa kanyang mic.

Pero dahil dito, mas narinig ang lakas ng pagkakanta ng mga kongresista ng Pambansang Awit ng Pilipinas.


Bago mag-umpisa, binigyang-pansin ni Duterte ang dalawang kapwa Mindanaoans na kasama niya sa “elevated portion of the Congress”— sina Senate President Aquilino Pimentel III at House Speaker Pantaleon Alvares.


“Wala na talaga kaming masabi,” sabi niya.

Ang SONA ni Pangulong Duterte ay dinaluhan din ng 3 dating pangulo na sina Fidel Ramos, Joseph “Erap” Estrada, at Gloria Macapagal-Arroyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN