Kean Cipriano and wife Chynna Ortaleza keep daughter Stellar away from the public eye

IMAGE Noel Orsal

Kean Cipriano explains his seeming over-protectiveness of his famly, saying, "We live in an environment na public… yung era natin ngayon ng Internet, social media, it's very critical and risky. We're talking about family now. Hindi mo masasabi, hindi mo talaga alam ang mangyayari. "


Isa nang ama si Kean Cipriano sa baby girl nila ni Chynna Ortaleza na si Stellar, na itinuturing niyang life-changing experience sa kanilang mag-asawa.

Pahiwatig ni Kean, “Surprisingly, parang walang nagbago pero may nagbago.

“Yun nga, you see light in a different perspective now.”

Sa presscon ng bago niyang pelikula sa Regal Films na That Thing Called Tanga Na, consistent si Kean na gusto nilang panatilihing pribado ang buhay nila ni Chynna bilang isang pamilya.

Pero binigyang-diin nitong wala naman silang itinatago o gustong itago.

Aniya, “We go to mall, to church, nakikita niyo kaming naggu-grocery, makikita niyo kami around.

“It’s just that we’re doing our best to have our privacy and protect ourselves.”

Bilang pareho sila ni Chynna na nasa showbiz, nakakaramdam ba sila ng pressure mula sa mga fans at netizens na curious makita si Stellar?

Tugon niya, “No, we have our own thing, we have our own decision, we have our own choices.

“Yeah, we live in an environment na public… pero hindi kami mapi-pressure sa isang bagay na desisyon namin.

“At nirerespeto namin ang desisyon na yun… what you see is what you get.

“We’re not hiding anything, it’s just that we’re private, we’re careful.

“We’re talking about family now, it’s not just the artists, it’s family thing already.

“I’m sure, you’ll protect your family as much as you can, you don’t give out information.

“Ano ‘yan, e, choice namin.

“At sa tanong na pressure, wala kaming pressure na nararamdaman, masaya lang kami.”

CAUTIOUS. Base sa mga larawang nagsilabasan, marami ang pumupuri na parang hindi raw nanganak si Chynna dahil seksi pa rin ito.

May pagmamalaking pagsang-ayon naman ni Kean, “She’s the most beautiful girl in this world.”

Nag-diet ba si Chynna, nag-exercise?

“Tanungin niyo na lang si Chynna, mas masasabi niya... mahirap sa aking magsalita for my wife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ako, sa nakikita ko, she’s the happiest person, she’s the happiest mom.”

Ayaw rin niyang pangunahan ang asawa nang tanungin tungkol sa pagbabalik-trabaho ni Chynna ngayong nakapanganak na ito.

“Tanungin niyo na lang si Chynna.

“We’re married but I respect my wife’s identity as an actress.

“It’s like you’re asking me about Billy Crawford, I can’t speak in behalf of Billy Crawford, ganun lang din yun.

“I respect my wife as an artist, kung anuman ang gusto niyong malaman, have her answer all these things.”

Hindi ba puwedeng mag-post si Kean ng larawan ni Stellar dahil proud lang siya bilang ama?

“Actually, hindi… well, siyempre, if there’s something you’re really proud of, it’s the creation of life.

“Pero hindi kami... well, alam mo, yung era natin ngayon ng Internet, social media, it’s very critical and risky.

“Hindi mo masasabi, hindi mo talaga alam ang mangyayari.

“Hindi kami para magpadala sa kahit na anong comments or anything, everything is a choice.”

Pahayag pa ni Kean, “When it comes to our family, we want to keep the details [private].

“Kung meron kaming gustong pag-usapan, gusto namin yung ginagawa naming projects, yung arts namin.

“Kasi, yun ang mission namin sa industriyang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN