Hindi maitago ang kasiyahan sa mukha ni Willie Revillame dahil nakasama niya ang mga anak na sina Meryll Soriano, 33, at Juan Emmanuel “Juamee” Revillame, 10, nitong Linggo, July 24.
Si Meryll ay anak ni Willie kay Bec-Bec Soriano, kapatid ng Diamond Star na si Maricel Soriano.
Si Juamee naman ay anak ng Wowowin host sa dating asawang si Liz Almoro.
Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng kanyang panganay na si Meryll ang ilang larawan nilang mag-aama sa kanilang lunch date sa Tagaytay mansion ni Willie.
Sina Willie at Juamee ay tila nag-e-enjoy sa kanilang basketball game.
Binigyan pa ni Willie ang bunso ng isang jersey na may nakasulat na 'Revillame 21.'
Pinagsaluhan nilang mag-ama ang grilled steak.
Nananatiling single ngayon ang 55-year-old TV host at walang napapabalitang nali-link sa kanya.
