Maris Racal reacts to McCoy de Leon's love team with Elisse Joson

IMAGE Glen Sibonga

Maris Racao on loveteam partner McCoy de Leon's new love team with Elisse Joson: "Sa akin po kasi, may two types of selos—may possessive selos, and may pa-cute lang na selos. Yung parang siyempre nagseselos ako as a love team, ganun. Parang nagseselos ako for the fans [ng McCris]."


Nagpaliwanag ang Star Magic talent na si Maris Racal tungkol sa isyung nagseselos daw siya sa nabuong love team nina McCoy de Leon at Elisse Joson o McLisse, dalawa sa celebrity housemates ng Pinoy Big Brother Lucky 7.

Pahayag niya, “To be honest po, wala naman pong isyu, like straight truth lang po iyon na nami-miss ko siya.

“Yung mga tao lang ang gumagawa ng isyu kasi normal naman talaga ma-miss ang isang kaibigan, lalo na kung palagi kayong nagkakasama, every day kayong nagte-taping, siyempre mami-miss.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Maris sa press launch ng Tunog Star Magic kahapon, July 25, sa 14th floor ng ELJ Building sa loob ng ABS-CBN compound.

Kabilang si Maris sa Star Magic talents na nabigyan ng opportunity para mai-showcase ang kanilang talento sa pagkanta sa pamamagitan ng Tunog Star Magic, na mapapanood sa Star Magic official YouTube Page na Youtube.com/starmagicphils.

MCRIS VS MCLISSE. Bago pa nagkaroon ng McLisse ay nauna nang nabuo ang McRis nina McCoy at Maris dahil sa pagsasama nila at pagiging magka-love team sa nagtapos na ABS-CBN teleseryeng We Will Survive.

Hanggang sa pumasok si McCoy sa PBB, kung saan kabilang din si Elisse.

Dahil na rin sa panunukso ng kapwa nila celebrity housemates ay nabuo ang McLisse.

Nag-ugat ang selosan issue sa online show ng PBB Lucky 7, hosted by Robi Domingo, Bianca Gonzalez, at Darla Sauler.

Nang mag-guest kasi si Maris dito ay natanong siya kung nagseselos ba siya sa McLisse loveteam. Ang sagot ni Maris ay “Oo.”

Pero nang usisain ng PEP si Maris tungkol dito, aniya ay nagbibiro lang siya.

Paliwanag pa niya, “Sabi ko lang po iyon sa online show… kasi may mga videos na nagha-hug sila, ‘Ay, nakakaselos naman,’ yung ganun. Biro lang iyon.”

Pero jokes are half-meant, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, grabe siya!” bulalas ng former PBB housemate.

“Para sa akin po kasi, may two types of selos—may possessive selos, and may pa-cute lang na selos.

“Yung parang siyempre nagseselos ako as a love team, ganun. Parang nagseselos ako for the fans [ng McCris].”

Nanghihinayang ba siyang baka hindi na magtuluy-tuloy ang love team nila ni McCoy?

Pag-amin ni Maris, “Oo naman, sayang kasi malaki na yung fandom na nabuo niya.

“Because six months ding nag-run yung We Will Survive and sobrang daming taong sumusuporta ng McRis.

“And, iyon nga po, biglang nag-McLisse, so na-break talaga yung hearts nila.

“In-expect ko po na ganun ang magiging reaksiyon nila.”

Ano ang gusto niyang sabihin sa McRis fans?

“Sobrang nalungkot ako for them. Pero isipin na lang nila na ganun talaga sa showbiz.”

Handa rin daw si Maris kung sakaling paglabas nina McCoy at Elisse sa PBB ay ang dalawa na ang pagtambalin ng ABS-CBN.

“Okay lang, ganun talaga. Naisip ko na rin iyon na for sure magtse-change yung love team.”

MISSING MCCOY. Bilang matagal din silang nagkatrabaho ni McCoy sa We Will Survive, nami-miss niya ba ang samahan nila ng aktor?

Ayon kay Maris, “Siyempre naman nami-miss. Iyon talaga iyong pinaka naisip ko noong nag-PBB siya.

“At isang araw talaga iyon na nag-end yung taping, yung last taping day ng We Will Survive, sabay na rin yun ng pag-alis ni McCoy [papuntang Vietnam para sa PBB].”

Ano ang mga nami-miss niya kay McCoy?

Tugon ni Maris, “The things I missed about McCoy… yung pagiging makulit niya, mapang-asar. Tapos yung mga trip namin.”

FRIENDS WITH GOOD UNDERSTANDING. Paano ba ide-describe ni Maris ang relasyon nila ni McCoy?

Aniya, “We are friends with good understanding.

“Like, may understanding kami na love team kami. Like, you have to work together.

“Siguro nagwo-work po iyon sa showbiz kapag nagtatrabaho kayo. We are friends with good understanding.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, walang feelings more than friendship?

“Wala po, wala,” sagot ni Maris.

Halimbawa paglabas nina McCoy at Elisse sa PBB at narinig niya na nagkakamabutihan na ang dalawa, hindi ba magkakaroon ng hurt feelings sa parte ni Maris?

“Wala!” sabay tawa ni Maris.

Sa pamimilit ng press kay Maris na maging honest, napaamin din siya.

“Konti.”

So, masasaktan siya ng konti?

“Oo. Pero okay lang, it’s a free country.

“Wala naman [kaming relationship], friends lang kami.”

Masasabi niya bang nagkaroon sila ng mutual understanding (MU) ni McCoy?

Saad niya, “He’s a sweet guy. Pero never akong nag-assume na like for me iyon.

“Gentleman naman talaga si McCoy, like pinapaupo ka niya, binibigyan ng jacket, ganun.”

So, wala pang ligawang nangyayari?

“Wala talaga.”

TUNOG STAR MAGIC. Sa kabila ng pagsulpot ng intriga, masaya naman si Maris ngayon dahil sa pagkakasama niya sa Tunog Star Magic.

Sabi niya, “Isa po ako sa mga Star Magic artists na na-blessed po ng opportunity na ito na magkaroon ng time and opportunity na makapag-cover ng songs na gusto namin.”

Magandang platform daw ito para mai-showcase ang kanyang talento sa pagkanta, bukod sa pag-arte at pagsasayaw bilang miyembro ng Girltrends ng It’s Showtime.

Mag-upload ang Tunog Star Magic ng bagong videos sa Youtube.com/starmagicphils tuwing Huwebes, 6pm, simula sa July 28.

Kasama rin sa Tunog Star Magic sina Bugoy Drilon, Liezel Garcia, Khalil Ramos, Klarisse de Guzman, Jovit Baldivino, Tippy Dos Santos, Nash Aguas, Alexa Ilacad, Bailey May, Ylona Garcia, CJ Navato, Kristel Fulgar, Loisa Andalio, Grae Fernandez, Kira Balinger, Emmanuelle Vera, Renee Dominique, at iba pa.

Ang Tunog Star Magic ay bahagi ng 24th anniversary ng Star Magic, na magkakaroon ng big celebration sa ASAP sa Linggo, July 31, sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN