Bongbong Marcos confirms burial of ex-President Ferdinand Marcos in Libingan ng mga Bayani

IMAGE Facebook

Former Senator Bongbong Marcos says his late father, ex-President Ferdinand Marcos, will be buried in Libingan ng mga Bayani in September.


Kinumpirma ni former Senator Bongbong Marcos na matutuloy na ang paglilibing sa Libingan ng Mga Bayani ng mga labi ng kanyang ama, si ex-President Ferdinand Marcos.

Ayon kay Bongbong, magaganap ang paglilibing sa ama niya sa September 2016, ang birth month ng dating presidente ng Pilipinas.

Isang simpleng seremonya raw ang kanilang inihahanda kaugnay nito.

Pahayag ni Bongbong, “Ang gagawin namin, I think we will have some memorial services muna sa Ilocos Norte bago siya dadalhin dito [sa Maynila], bago siya ilalagay sa Libingan Ng Mga Bayani.

“It would be very simple, sa panahon ngayon ni President Duterte, simple lang.

“Pero yung mga Ilocano, sinasabi nila na gusto nila na makapag-goodbye sa kanilang pangulo bago dalhin sa Maynila.

“The latest plan is, baka magbago pa, magkakaroon kami ng memorial service.

“Baka muna sa Sarrat, dahil doon siya ipinanganak; maybe in Paoay, kasi that's where he lived.

“And eventually, yung last night, for sure, sa Batac, bago namin dalhin sa Maynila, very early in the morning.

“The date has not yet been decided pero September.”

Marami ang tutol sa paglilibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani, partikular na ang mga biktima ng martial law at ang kanilang mga kaanak.

Pagkatapos ng 21 taong panunungkulan bilang presidente ng Pilipinas, mula 1965 hanggang 1986, ay napatalsik siya sa puwesto sa pamamagitan ng makasaysayang People Power Revolution noong February 25, 1986.

Namatay si Marcos noong September 28, 1989 habang nasa exile sa Hawaii.

Kasalukuyang nakalagak ang kanyang mga labi sa Marcos Museum and Mausoleum sa Batac, Ilocos Norte.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN