Claudine Barretto hits back at Piolo Pascual's bashers: "U guys r hitting not only a good but GREAT MAN!'

IMAGE Noel Orsal / Arniel Serato

Ikinadismaya ni Claudine Barretto ang pangba-bash ng ilang netizens kay Piolo Pascual at sa anak nitong si Iñigo. Sana raw ay huwag gawan ng malisya ang larawan ng mag-ama na magkayakap sa higaan.


To the rescue si Claudine Barretto sa kaibigang si Piolo Pascual.

Ito ay matapos maging viral sa Internet ang larawan ng Kapamilya actor kasama ang anak na si Inigo Pascual.

Pinaglaruan kasi ng ilang netizens ang magkayap na larawan ng mag-ama habang nakahiga.

Pero para kay Piolo, hindi na niya pinagtakhan ang mga lumabas na mga komento ng bashers tungkol sa larawan nila ng anak.

Read: Piolo Pascual on viral photo with son Iigo: 'Ganun kami ka-affectionate so mainggit na lang sila.'

PIOLO IS A GREAT MAN. Kahapon, July 25, nagbahagi si Claudine ng kanyang opinyon tungkol sa mga naninira sa kaibigan at dating ka-love team na si Piolo.

Masama ang loob niya sa mga nagpakalat ng aniya’y mapanirang memes tungkol sa mag-ama.

Panimula ni Claudine, “First of all, I’m not a person na mapagpatol only up to a certain point.

“There are people who's personal Hobby & i guess HABIT na manira at manakit at mag SPREAD NG FALSE, PAINFUL, BELOW THE BELT COMMENTS sa mga artista na d naman nila EVER NAKASAMA O KAKILALA PERSONALLY!!

“I am very Protective of the people i luv & know so soo well like @piolo_pascual ang tagal na kaseng ganito mga rumors kelan ba kayo titigil.

“Ako at mga Kaibigan,kapatid at kapamilya ni Piolo ang MAS NAKAKAKILALA SA KANYA.sobrang kabastusan na etong mga memes nyo tungkol kay Pj at @iminigopascual gusto ko pong makiusap at mapagtanggol si Piolo simply because i know him very well.

“U guys r hitting not only a good but GREAT MAN!”

STOP THE HATE. Pakiusap pa ng Optimum Star, sana ay tantanan na si Piolo ng mga paninirang ito at huwag nang idamay ang anak nitong si Inigo.

“Wala hong ginagawa sa kanila yung tao Rumespeto naman tayo sa inambag ng isang Piolo Pascual sa industria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil kapag nabigyan kayo ng pagkakataon makilala si Piolo sinisiguro ko lahat ng mga nam babash sa kanya mapapahiya po kayo.at pls lang wag tayo mandamay ng mga Anak. #stopthehate

First of all im not a person na mapagpatol only up to a certain Point.there are people who's personal Hobby & i guess HABIT na manira at manakit at mag SPREAD NG FALSE,PAINFUL,BELOW THE BELT COMMENTS sa mga artista na d naman nila EVER NAKASAMA O KAKILALA PERSONALLY!! I am very Protective of the people i luv & know so soo well like @piolo_pascual ang tagal na kaseng ganito mga rumors kelan ba kayo titigil.Ako at mga Kaibigan,kapatid at kapamilya ni Piolo ang MAS NAKAKAKILALA SA KANYA.sobrang kabastusan na etong mga memes nyo tungkol kay Pj at @iminigopascual gusto ko pong makiusap at mapagtanggol si Piolo simply because i know him very well.u guys r hitting not only a good but GREAT MAN! Wala hong ginagawa sa kanila yung tao Rumespeto naman tayo sa inambag ng isang Piolo Pascual sa industria.dahil kapag nabigyan kayo ng pagkakataon makilala si Piolo sinisiguro ko lahat ng mga nam babash sa kanya mapapahiya po kayo.at pls lang wag tayo mandamay ng mga Anak. #stopthehate

A photo posted by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Ilan sa mga pinagsamahang proyekto nina Claudine at Piolo ay ang Buttercup (2003), Milan (2004), at Walang Kapalit (2007).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN