Inday Sara Duterte defends Brillante Mendoza's directing style in #SONA2016

IMAGE @indaysaraduterte Instagram / @ancalerts Twitter

Davao City Mayor Inday Sarah Duterte tells followers that director Brillante Mendoza used the Fibonnacci spiral camera technique during the TV coverage of #SONA2016.


Dinepensahan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang award-winning director na si Brillante Mendoza kaugnay ng camera shots nito sa unang State of The Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos batikusin ng ilang netizens ang umano’y “nakakahilo, confusing, at di mo agad magets na angled shots” ni Mendoza.

Buwelta ni Inday Sara: "Fibonnacci spiral is a cinematography term for nadagma na cameraman angle. Hahahahahaha #toofunny #goodvibes #dancesinglovelive #dancedancedance"

Base ito sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang isang screen shot ng "Fibonnacci spiral" o camera technique na ginamit ni Mendoza sa ilang kuha niya kay President Duterte.

Ang imaginary “Fibonnacci spiral” o "golden spiral" ay isang camera technique na ginagamit ng film/photography enthusiasts upang mas mabigyan ng lalim at pokus ang komposisyon ng kinukunan nilang video/photo.

Makikita rin sa parehong Instagram post ni Inday Sara ang kanyang mensahe para sa amang si President Duterte.

Biniro ni Inday Sara ang kanyang ama sa ginawa nitong paglaktaw sa ilang bahagi ng SONA na binabasa nito sa teleprompter.

“Congrats Digong on your first SONA, klaro wala ka nag-practice reading sa teleprompter, ha. Hahaha.”

Hindi personal na nakadalo si Inday Sara sa unang SONA ng kanyang ama dahil sa karamdaman.

ANDANAR DEFENDS MENDOZA. Maging si Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar ay ipinagtanggol ang multi-awarded director na si Brillante Mendoza.

Sa ulat ng The Philippine STAR, sinabi ni Andanar na “perfect” ang TV coverage ng SONA ni President Duterte.

Lalo pa’t mas maganda raw ang “lighting” ngayon sa Batasang Pambansa Complex kumpara noong mga nagdaang SONA.

Sabi pa ni Andanar: "Maraming gustong gawin ang ating director, [si] Brillante Mendoza. Kaso nga dahil sa PSG [presidential security group] protocol ay hindi po natin puwede gawin.

“At meron din pong mga panuntunan ang mababang kapulungan at hindi rin natin puwedeng labagin bilang respeto na rin po sa Lower House.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CAPTURING THE REAL DUTERTE. Bago ang SONA ni Presidente Duterte, matatandaang sinabi ni Mendoza na nais niyang ma-capture kung anong klaseng presidente ang una base sa camera shots ng direktor.

“Pagdating sa SONA, hindi lang siya ‘yung formal na nagsasalita coming from his point of view, but what we want to capture is being able to communicate and connect with the people. And the people would be able to understand him, kung anong gusto niyang mangyari, gusto niyang sabihin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN