Bayang Barrios shrugs off technical glitch during her SONA performance

IMAGE Bayang Barrios Facebook

Bayang Barrios remains optimistic despite the technical glitch that happened when she sang the Philippine National Anthem at President Rodrigo Duterte's first SONA.


Nagpapasalamat pa rin si Bayang Barrios sa kabila ng technical problem na nangyari nang awitin niya ang Philippine National Anthem sa State of the Nation (SONA) ni President Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa nitong Lunes, July 25.

Makailang ulit kasing namatay ang mikropono ni Bayang nang awitin niya ang "Lupang Hinirang" sa pagsisimula ng programa kahapon.

Pero para kay Bayang, mas mahalaga na hindi niya nakalimutan ang lyrics ng kanta.

Pahayag niya sa kanyang Facebook post: “Yehey!!! Salamat sa mga panalangin ninyo mga kaibigan ko di ko nakalimutan ang lyrics ng ating Pambansang Awit, kahit na 'yong microphone nakalimutan na may kumakanta sa kanya!

“Mabuhay ang napupukaw na pagmamahal natin sa ating bayan. Maging mulat at mapagmatyag pa rin tayo bilang mamamayan.

“Huwag maging bulag kahit may nakikitang kamalian. Mabuhay ang Filipino! Mabuhay ang Pilipinas!”

Samantala, sa comments section, may mga Facebook friends ni Bayang ang nakapansin din sa technical glitch sa pagkanta ng singer.

Nagpaliwanag naman si Bayang na maayos ang mikropono noong rehearsals.

Nagpaalala rin daw siyang palitan ang battery ng microphone, pero sinabihan siyang maayos naman ito.

Low-batt na mikropono rin ang nakikitang sanhi ng problema sa performance ni Bayang.

Nabanggit din ni Bayang na may mga bumatikos sa kanyang performance, pero itinuturing daw niya itong constructive criticism.

Pero aniya, i-charge na lang ito sa experience.






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN