Matteo Guidicelli responds to basher who called him "mediocre, useless BF"

IMAGE Gianmatteo Fernan Guidicelli Facebook

Supporters of Matteo Guidicelli defend him against a basher who accused him of nasty things, such as being mediocre and a useless boyfriend.


Hindi napigilan ni Matteo Guidicelli na sumagot sa isang basher na sinabihan siya ng kung anu-anong paninira.

Sa Instagram post ni Matteo nitong Martes, July 26, isang netizen (@gal625) ang nagkomento at tinawag ang Kapamilya actor na “mediocre actor, mediocre singer, mediocre triathlete, useless BF.”

Buwelta ni Matteo sa basher: “Ikaw, ano ka?”


Naka-private ang account ng nasabing basher at hindi rin niya larawan ang nakalagay sa profile pic.

Sa mga sumunod na comments ng nasabing basher, kinuwestiyon niya kung ano ang mga nagawa ni Matteo sa tatlong taong relasyon nila ni Sarah.

Inakusahan pa ng basher si Matteo na si Sarah lang daw ang nag-e-effort sa kanilang relasyon.


Kaya naman sunud-sunod ang pagtatanggol ng mga tagasuporta ni Matteo laban sa nasabing netizen.

Sinabi ng ilang netizens na hindi tunay na fan ang basher.

Kinuwestiyon din nila ang pagiging private ng account nito at pagkakaroon lamang ng dalawang followers.


May netizen na nagsabing pinili nina Sarah at Matteo na gawing pribado ang kanilang relasyon at dapat ay maging masaya na lang para sa kanila.

Sinabi naman ng isang netizen na ang tunay na fans ni Sarah ay hindi namba-bash at supportive lamang sila sa kanilang idolo.




Samantala, may ilang netizens naman ang nalungkot dahil walang post si Matteo o pagbati sa girlfriend na nagdiwang ng kanyang birthday nitong Lunes, July 25.


Sumagot naman ang isang netizen (@nanitadayanan46) at sinabing hindi porke't may gusto ang fans ay pagbibigyan ng kanilang idolo.

Aniya, deserve din ng kanilang mga idolo ang privacy at kailangan itong irespeto at ibigay sa kanila.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN