Lovi Poe on renewing contract with GMA: "I'm happy to be here."

IMAGE Noel Orsal

"I'm just really blessed and really grateful kasi 10 years nila akong inalagaan," says Lovi Poe about being a Kapuso for 10 years.


Hindi na raw nagdalawang-isip pa si Lovi Poe na pumirmang muli ng kontrata sa GMA Network.

Pahayag niya, “I'm happy I'm here.

“I'm just really blessed and really grateful kasi 10 years nila akong inalagaan.

“Thankful naman ako dahil lagi naman akong inaalagaan ng GMA-7.

“Ever since I started, I was 15 or 16, I'm just happy to be working with the same good-hearted beautiful people here in the network.”

Ayon pa kay Lovi, satisfied naman siya sa naging takbo ng kanyang showbiz career bilang isang Kapuso artist.

“I'm very happy kasi every time na binibigyan ako ng proyekto, mas nahahasa yung trabaho ko, yung talento ko, every time it grows.

“Siguro nagsimula ako sa Bakekang [2006], di pa ako marunong umarte noon.

Then, every time, it's a step-by-step process.

It's slowly, but I can say naman that I'm happy with every step that I'm taking.”

Diin pa niya, “I'm in no rush. I believe that I'm still young and marami pa akong matututunan.

I'm very thankful, kasi nga, sa bawat proyektong ibinibigay sa akin, parang nakakataba ng puso, kasi I feel like they trust me with such good roles.

Every time, parang it becomes even more challenging.

I've grown in such a sense na I get to tackle or open up certain emotions that I've never thought that I have.

Siguro may mga nangyari sa buhay ko that I get to use sa acting.

Through the years naman, habang tumatanda ako, mas marami akong nae-experience na nagagamit ko sa trabaho ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang piling reporters si Lovi matapos ang contract signing niya sa Kapuso network nitong Lunes, July 26.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto raw sana ni Lovie na malihis muna sa pagiging drama actress.

“I wanna do action naman.

“Hopefully, I get to do something different or romantic-comedy or something funny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto ko ng romantic-comedy din kasi malayo from what I usually do, which is drama.

I wanna relax first, pag-ipunan ang tears ko.”

Pero nilinaw naman ni Lovi na hindi siya magiging mapili sa proyektong kanyang gagawin.

Siguro po not picky.

“Ako, my number one rule is that I always want it to be an acting piece no matter how big or small.

It always has to be an acting piece for me.”

Subalit tila hindi pa mangyayari ang hiling niya ngayon.

Kasalukuyan kasing ginagawa ni Lovi ang drama series na Someone To Watch Over Me kasama si Tom Rodriguez.

Straight from shooting The Escort to taping #STWOM... now the woman who lack sleep is spacing out. ????

A photo posted by Lourdes Virginia M. Poe (@poevirginia) on

Pagdating naman sa pelikula, ang sexy drama na The Escort ang kasalukuyang ginagawa niya kasama si Derek Ramsay.

Shooting today with @ramsayderek11 ?? #TheEscort

A photo posted by Lourdes Virginia M. Poe (@poevirginia) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN