Alden Richards clarifies pricey block screening of AlDub movie

IMAGE Noel Orsal

Alden Richards on dealing with bashers: "Parang hindi ko naman po kawalan kung ano man po ang sinasabi nila sa akin tungkol sa mga post or whatever. Kasi, at the end of the day po, ako pa rin naman po 'to."


Nilinaw ni Alden Richards ang tungkol sa naganap na block screening ng pelikula nila ni Maine Mendoza, ang Imagine You And Me, na may kamahalan ang presyo ng tickets.

Ang isang ticket para sa naturang block screening ay nagkakahalaga diumano ng P1,700.

Dahil dito, may mga bumatikos sa Kapuso actor-TV host at sinabihan ng kung anu-ano; na kesyo nagpapabayad daw siya para dumalo sa mga ganung klaseng block screening.

Ayon kay Alden, aware siya tungkol sa presyo ng tickets.

“I was informed po of that, because it was going to charities.

“So, the only thing po siguro kaya po nasilip, medyo pricey.

“Hindi po nasabi na sa charity po talaga mapupunta yung kinita po ng block screenings po.

“And I really did not receive anything out of that.

“And kung may lumalabas man po na basher na nagpapabayad po ako for a certain amount, the people who meet me, alam niyo naman po ‘yan na hindi po kailangan mayaman o mahirap para po ma-meet ako.

“So, may miscommunication lang pong nangyari before.”

Kaugnay nito ay inamin ni Alden na may balak talaga siyang magtayo ng sariling foundation na tutulong sa mga nangangaiangan; partikular na ang mga batang maysakit at ulila at mga matatanda.

Pahayag niya, “Naniniwala po ako na kaya po ako binigyan ng ganitong blessings para po mai-share ko sa iba.

“Mas nararamdaman ko po yung halaga nung mga dumarating pong biyaya pag naibabahagi ko po.”

Nakausap ng entertainment press si Alden sa thanksgiving presscon niya kahapon, July 26, sa La Reve Events Place, Sgt. Esguerra, Quezon City.

DEALING WITH BASHERS. Kaakibat ng tinatamasa ngayong tagumpay ni Alden ay ang patuloy pa ring pagsulpot ng bashers.

Ngunit ayon sa Pambansang Bae, natutunan na rin niyang ipagkibit-balikat ito.

Saad niya, “Hindi naman po kasi talaga maiiwasan, e, especially now po talaga na the more po na umaangat, gumagawa po ng mabuti, most of the time po talaga, meron at meron po talagang masasabi ang mga tao kaya nasanay na po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung una po, siyempre mahirap lunukin.

“Kasi yung mga bashers po, parang kilalang-kilala nila ako, e, kilalang-kilala nila kami [ni Maine], kung paano nila kami pagsabihan ng kung anu-ano sa social media, sa kung anu-ano pong forms of media.

“Pero parang hindi ko naman po kawalan kung ano man po ang sinasabi nila sa akin tungkol sa mga post or whatever.

“Kasi, at the end of the day po, ako pa rin naman po ‘to.

“And siguro po talaga, yung mga taong mahal ko at yung mga taong mahal ako, sila lang po talaga yung nakakakilala nang matindi sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN