Alden Richards 'no ulterior motive' in his courtesy call to Cristy Fermin

IMAGE Noel Orsal

Alden Richards on his meeting with veteran radio host and entertainment columnist Cristy Fermin: "Wala po akong motibo bakit ko po ginawa yun. At kung anuman po yung iniisip nila, sana po maintindihan nila, nandito po tayo, siyempre si Tita Cristy po is a member of the press."


Nagpaliwanag si Alden Richards tungkol sa pagkuwestiyon ng ilang AlDub fans, partikular na ang mga tagahanga ni Maine Mendoza, sa pakikitagpo niya sa veteran radio host-columnist na si Cristy Fermin.

Nagagalit ang mga nasabing fans dahil kadalasan ay negatibo ang mga item na isinusulat ni Cristy tungkol kay Maine sa mga kolum nito sa tabloids.

Hindi nila nagustuhan ang pagpunta ni Alden kay Cristy, isang araw bago ang kaarawan nito, gayong alam naman daw nito ang mga isinusulat ng huli tungkol sa kanyang ka-love team.

Paglilinaw ni Alden tungkol dito, “Wala po akong ulterior motive kung bakit po ako pumunta kay Tita Cristy.

“Because the day before her birthday po, nasabihan lang po ako na she’s around the area.

“And it happens na may free time naman po ako, and parang it’s just a courtesy call.

“I just offered a gift as part of her birthday. Para ma-meet ko na rin after so long.

“It’s been five years of my career and hindi ko pa po talaga nakilala si Tita Cristy, so in a way po, parang meet and greet kumbaga.”

Diin pa niya, “Wala po akong motibo bakit ko po ginawa yun.

“At kung anuman po yung iniisip nila, sana po maintindihan nila, nandito po tayo, siyempre si Tita Cristy po is a member of the press.

“So, PR na rin po, in a way.”

Humarap si Alden sa entertainment press sa thanksgiving presscon niya na ginanap sa Le Reve Events Place, Sgt. Esguerra, Quezon City, kahapon, July 26.

Samantala, ipinagtanggol naman ni Alden si Maine kaugnay ng blog post nito tungkol sa pagpapakatotoo sa sarili at hindi raw niya kailangang i-please ang lahat porke't nasa showbiz na siya.

Sabi ng kalahati ng AlDub loveteam, “Hindi naman po talaga siya nanggaling sa showbiz, so siguro po i-respect na lang po natin yung opinyon niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN