Ciara Sotto on decision to break up with husband: "Hindi ko lang kaya na na-disrespect ako at yung family ko."

IMAGE Noel Orsal

Ciara Sotto says that breakup with estranged husband Joe Oconer last January made her realize that she can be alone.


Magkaibigan na si Ciara Sotto at ang kanyang estranged husband na si Joe Oconer.

Ito ang kinumpirma ng aktres sa kanyang guest appearance sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, na umere ngayong Miyerkules, July 27.

Matatandaang noong Enero ay kinumpirma ni Ciara na umalis na siya sa bahay nila ni Joe, at bumalik sa poder ng kanyang mga magulang.

Read: Ciara Sotto admits separation from husband Joe Oconer

Third party ang itinuturong dahilan ng hiwalayan nina Ciara at Joe, at lumutang ang pangalan ng aktres na si Valeen Montenegro.

Read: Valeen Montenegro denies causing the separation of Joe Oconer and Ciara Sotto

Nang matanong si Ciara kung paano siya nagkalakas ng loob na wakasan na ang relasyon nila ni Joe, tugon niya: “Parang ayaw mo lang kasi na i-tolerate.

“Gusto mo, parang, ‘Okay na ‘ko dun. Tama na.’ Parang ganun.

“Parang hindi ko lang kaya na na-disrespect ako at yung family ko.”

Nagkalakas daw siya ng loob na makipaghiwalay nang malaman niya ang pagkakaroon diumano ng relasyon ng asawa sa iba.

“Nung nakita ko. Yun na 'yon.

“Parang feeling ko lang talaga, nabastos lang ako bilang nanay, bilang katrabaho, bilang babae.”

Sa ngayon, “medyo friends” na raw sila ng kanyang estranged husband para sa kapakanan ng kanilang isang-taong-gulang na anak na si Crixus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN