Vico Sotto denies speculations romantically linking him to Maine Mendoza

IMAGE @jamaine_korea Instagram (CTTO)

Vico Sotto on his supposed plan to court Maine Mendoza: "The issue is when people have no issue about making an issue where there is really no issue. #tissue"


Usap-usapan sa social media ang diumano’y plano ni Pasig City First District Councilor Vico Sotto na ligawan ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.

Ito ay matapos lumabas ang balitang nagpaalam diumano si Vico sa kanyang mga magulang na sina Vic Sotto at Coney Reyes sa plano niyang ligawan si Maine.

Base ito sa ulat ni Reggee Bonoan ng Hataw tabloid online site noong Martes, Hulyo 26.

Dagdag pa rito ay ilang linggo nang tinutukso si Vico, 27, kay Maine, 21, ng ilang Instagram followers ng binata.

Tiyempo kasing bumisita si Vico sa "Juan For All, All For Juan" on-location set ng Eat Bulaga! sa Barangay Palatiw, Pasig City, na bahagi ng distrito kung saan konsehal ang anak nina Vic at Coney.

Guess where i am now

A photo posted by Vico Sotto (@vicosotto) on


VICO REACTS. Gayunman, itinanggi ni Vico ang balitang balak niyang manligaw kay Maine, ang kalahati ng phenomenal tandem na Aldub o MaiDen nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Sabi ni Vico sa kanyang Twitter post ngayong Miyerkules, Hulyo 27: “Statement on the issue: the issue is when people have no issue about making an issue where there is really no issue. #tissue”

Makikitang idinaan ni Vico sa biro ang iba pa niyang sagot sa netizens na nagtatanong tungkol sa kanyang pagkakaugnay kay Maine.

Kung anu’t ano man, nilinaw ng binata na madali lang siyang kontakin sakaling may gustong humingi ng kanyang panig sa anumang balita.

Narito ang kopya ng series of Twitter posts ni Vico hinggil sa isyu:


FIRST MEETING. Matatandaang unang napanood sa TV sina Maine at Vico nang bumisita ang binata sa "Juan For All, All For Juan" noong October 26, 2015.

Ang "Juan For All, All For Juan" ay isang segment sa Eat Bulaga! kung saan madalas napapanood si Maine at katambal na si Alden, kasama ng iba pang Dabarkads ng Kapuso noontime show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Nagkrus din ang landas ng dalawa sa reception ng kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna noong January 30, 2016.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN