President Duterte all smiles with PNoy, GMA, Erap, FVR in meeting

IMAGE Official Gazette PH Twitter

In a rare moment, President Rodrigo Duterte (middle) gathered ex-presidents (L-R) Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, Fidel V. Ramos, and Benigno Aquino III at the National Security Meeting held at Malacañang, Wednesday, July 27.


Sa isang pambihirang pagkakataon, nakaharap ni President Rodrigo Duterte ang mga dating pangulo ng Republika ng Pilipinas na sina Benigno "Noynoy" Aquino III, Gloria Macapagal-Arroyo, Joseph “Erap” Estrada, at Fidel V. Ramos.

Kaugnay ito ng pagpupulong ng lima at iba pang government officials para sa National Security Council na ginanap sa Malacanang bandang ales-tres ng hapon ngayong Miyerkules, Hulyo 27.

Bago nagsimula ang kanilang pulong ay nagpaunlak ang lima na magpakuha ng larawan sa press.

AQUINO AND ARROYO'S FACE-OFF. Samantala, ang naturang pulong din ang kauna-unahang pagkakataong muling nagkaharap sina Arroyo at Aquino.

Base sa video na ibinahagi ng PTV4, makikitang nauna sa venue sina President Duterte, Arroyo, at Ramos.

Magkasabay na dumating sina Aquino at Estrada na isa-isang nakipagkamay sa incumbent president.

Kapansin-pansing hindi kinamayan ni Aquino si Arroyo, na katabi ni President Duterte noong mga oras na iyon.

Matatandaang naharap sa kasong plunder si Arroyo sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Apat na taong naditena sa Veterans Memorial Medical Center si Arroyo habang dinidinig sa Sandiganbayan ang non-bailable case nito.

July 19 nang pormal na inutos ng anti-graft court na mapawalang-sala si Arroyo sa kaso kaugnay ng diumano'y pagkamal ng pondo mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

NSC MEETING'S AGENDA. Walang ibinigay na eksaktong detalye ang Malacanang tungkol sa agenda ng pulong.

Ang tanging malinaw ay inaasahan ni President Duterte ang suporta at kooperasyon ng mga dating Pangulong Aquino, Arroyo, Estrada, at Ramos sa mga usapin kaugnay ng national security.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN