Jolo Revilla and Jodi Sta. Maria back together?

IMAGE Jolo Revilla's Instagram account

Isang buwan mula nang aminin nina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria na break na sila, kataka-takang panay ang post ngayon ni Jolo sa kanyang Instagram account ng ilang larawan nila ni Jodi.


Isang buwan mula nang aminin nina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria na break na sila, nagtataka ang marami dahil madalas silang makitang magkasama nitong mga nakalipas na araw.

Ibinabahagi pa nga ni Jolo sa kanyang Instagram account ang ilang larawan nila ni Jodi.

Nung nakaraang Sabado, July 23, ay nag-post siya ng kuha nila ni Jodi na may caption na: “Just because something isn’t happening for us right now does not mean it will never happen.”


Dahil dito, marami ang nag-iisip na baka nagkabalikan na ang dalawa.

Ngunit nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolo, noong July 24, kung nagkabalikan na nga ba sila ni Jolo ay umiling ito.

“Magkaibigan pa naman kami,” pakli niya.

Ayaw na raw muna niyang magsalita tungkol sa kanila ni Jodi dahil mas mabuting tahimik na lang daw ang anumang namamagitan sa kanila ngayon.

MORE IG POSTS. Noong Lunes, July 25 ay muling nag-post si Jolo sa kanyang IG account ng larawan nila ni Jodi habang nasa gym.

Smiley emoticon lang ang nasa caption nito.


Tinext namin siya uli para kumustahin ang status nila ni Jodi.

Ngunit ifinorward lang niya sa amin ang komento ng isang follower niya: “#relationship goals J.”

Ngayong gabi, July 27, ay magkasama na naman silang dalawa at may ipinost uli si Jolo sa IG ng kuha nila ni Jodi.

May caption itong “Patiently waiting…”


Tinawagan namin ang vice governor ng Cavite para kumpirmahin kung magkasama nga silang dalawa; inamin naman niya ito.

Pero huwag na raw namin siyang interbyuhin.

Mas mabuting wala na raw muna siyang sasabihin.

Inulit lang ni Jolo na nananatili silang magkaibigan ni Jodi.

LANI’S REACTION. Hiningan din namin ng reaksiyon ang ina ni Jolo na si Bacoor Mayor Lani Mercado, ngunit natawa lamang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw siyang alam kung ano na ang latest sa love life ng kanyang anak.

Sabi pa ni Lani, “Love will find the way. Yun lang ang masasabi ko.

“Kung talagang sila para sa isa’t isa, magiging sila pa rin naman, e.”

Pero kung sakaling nagkabalikan nga ang dalawa, ano kaya ang magiging reaksiyon nila ni dating Senator Bong Revilla para sa kanilang anak?

Saad ng actress-politician, “Sino ba ako para humadlang if they are really meant for each other?

“Kung sila ang nagkakatulungan, nagkakasundo, at nagmamahalan, sino ba naman ako para humadlang dun?”

Hindi niya sinagot ang tanong namin kung winu-workout ba niya ang posibleng pagbabalikan nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN