It's official: Philippines will host Miss Universe 2016!

IMAGE Missosology Facebook page

DOT Secretary Wanda Corazon Teo (left, with Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach) announced in a press conference that the next Miss Universe pageant will be held in the Philippines.


Kumpirmado nang sa Pilipinas gaganapin ang Miss Universe 2016.

Inanunsiyo ito ni Department of Tourism Secretary Wanda Corazon Teo sa isang press conference ngayong hapon, July 28.

Gaganapin ang Miss Universe 2016 sa January 30, 2017.

Kinumpirma rin ito mismo sa official Facebook page ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Binanggit ni Secretary Teo sa naturang presscon na sasagutin ng pribadong sektor ang gagastusin para sa pagdaraos ng international beauty pageant dito sa bansa.

Ito ang ikatlong pagkakataon na ihu-host ng Pilipinas ang Miss Universe.

Unang beses noong 1974, kung saan si Amparo Munoz ng Spain ang nanalong Miss Universe.

Pagkalipas ng 20 taon, noong 1994, ay muling ginanap ang Miss Universe sa Pilipinas; kung saan nanalo si Sushmita Sen ng India.

Tiyak na labis ang kasiyahan ngayon ni Pia dahil mabibigyan siya ng pagkakataong ipasa ang korona sa susunod na Miss Universe sa sarili niyang bansa.

Si Pia ang ikatlong Pinay na nanalong Miss Universe; una ay si Gloria Diaz noong 1969 at pangalawa ay si Margie Moran noong 1973.

Ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2016 ay si Maxine Medina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN