Ruby Rodriguez says Eat Bulaga! Dabarkads helped her cope with mom's passing

IMAGE Noel Orsal

Ruby Rodriguez on Dabarkads' effort to comfort her when her mother passed away: "Recently, nagbakasyon ang Eat Bulaga!, di ba? I wasn't able to go because my mom died. Pag-landing na pag-landing ng plane nila, diretso sila sa akin."


Ibinahagi ng TV host-comedienne na si Ruby Rodriguez na isa sa Eat Bulaga! Dabarkads na natatakbuhan niya sa oras ng problema ay si Vic Sotto, o mas kilala sa show business bilang “Bossing.”

Sabi ni Ruby, “Kasi kami ni Bossing, matagal na magkasama from Okay Ka Fairy Ko.

“That’s where I started, di ba? Okay Ka Fairy Ko talaga nag-start bago ako nag-Bulaga.

“Bossing and I are like siblings. I cry to him.”

Ayon pa sa comedienne, may mga pagkakataong si Vic mismo ang lalapit sa kanya kapag napansin nitong mayroon siyang dinadamdam.

“People don’t know that about him. Na kapag alam niyang may pinagdadaanan [ka], ‘Ruby, halika, usap tayo sa labas.’ Hihilain niya ako.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruby sa backstage ng Eat Bulaga! studio sa Broadway Centrum, Quezon City, ngayong Huwebes ng tanghali, Hulyo 28.

Ang set visit ng ilang miyembro ng entertainment press sa Eat Bulaga! ay bahagi ng 37th anniversary celebration ng longest-running noontime show na gaganapin sa Sabado, Hulyo 30.

MOURNING OVER HER MOM'S DEATH. Hindi kaila sa publiko na nagdadalamhati pa rin si Ruby dahil sa pagpanaw ng kanyang ina na si Mommy Fe nitong buwan ng Hulyo.

Read: Ruby Rodriguez still grieving over her mother’s death

Kaugnay nito, naikuwento ni Ruby na malaking bagay ang pagdalaw ng Dabarkads upang kahit papaano ay maibsan ang kanyang kalungkutan noong mga oras na iyon.

“Recently, nagbakasyon ang Eat Bulaga, di ba? I wasn’t able to go because my mom died.

“Pag-landing na pag-landing ng plane nila, diretso sila sa akin.

“It keeps me [going]. I know they were also tired.

“And it means so much to me [that they were there for me].”

Patunay raw ito kung gaano katotoo ang samahan ng Dabarkads, hindi lang sa pagpapasaya ng mga manonood kundi pati na rin sa likod ng kamera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When you cry about certain personal problems… Of course, you keep to yourself.

“[But still] nasasabi ko sa kanila, and they’re always there to support me.

“Kunwari nasa bahay ka lang, nagmumukmok kasi masama ang loob mo, pupuntahan ka talaga nila.

“They’ll text you words of encouragement.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN