Sunshine Garcia in no rush to marry Alex Castro

IMAGE Nikko Tuazon

Sunshine Garcia on relationship with Alex Castro: "Sobrang happy and contented ko ngayon, sa kung anong relasyon meron ako ngayon."


“Happy, super happy!”

Ito ang naging pahayag ng Banana Sundae star na si Sunshine Garcia tungkol sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Alex Castro.

Dagdag pa niya, “Sobrang happy and contented ko ngayon, sa kung anong relasyon meron ako ngayon.”

Handa na ba silang i-level up ang sa kanilang relasyon, ngayong mahigit isang taon na rin silang magkasintahan?

Sabi ni Sunshine, “Napag-uusapan namin, [pero] siyempre ayokong mapako kami sa usapan na yun or ayokong umasa, di ba? Mahirap, e.

“So, kung mangyayari, mangyayari parang ganun.”

Patuloy niya, “Ipinagdadasal rin namin kasi pag nakipagrelasyon ka naman, hindi lang ito boyfriend-girlfriend.

“Kailangan merong future at napag-uusapan naman namin yun.”

Sa ngayon, showbiz commitments muna ang pinagkakaabalahan ni Sunshine, habang buhay-pulitika naman ang kay Alex matapos nitong mahalal bilang Board Member ng 4th district ng Bulacan.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine matapos niyang rumampa sa FHM Philippines 100 Sexiest Women Victory Party nitong Martes, July 26, na ginanap Valkyrie Super Club sa Taguig City.

EUROPEAN VACATION. Nitong nakaraang June, nagtungo sa Europe sina Sunshine at Alex upang magbakasyon kasabay ng ilang trabaho ng dating SexBomb dancer.

Sa isang Instagram post ni Sunshine, pinasalamatan nito ang boyfriend, lalo na sa pagtulong nito sa paghahanda ng mga kailangan niya sa show.

Ilan sa mga bansang pinuntahan ng dalawa ay Italy, Netherlands, England, at France.

Kasunod nito, ipinagdiwang pa ng dalawa ang kanilang 16th monthsary nitong July 16.

Happy 16th ???? @sunshine_garcia #SLEX

A photo posted by Alex Castro (@ialexcastro) on

FHM SEXIEST. Samantala, ipinahayag ni Sunshine ang kanyang pasasalamat sa FHM Philippines at sa mga bumoto sa kanya upang mapabilang sa taunang listahan ng mga pinakaseksing Pinay.

Nasa No. 62 ngayon si Sunshine, at ang co-star niya sa Banana Sundae na si Jessy Mendiola naman ang itinanghal na Sexiest Pinay.

Pahayag niya, “Siyempre happy ako for three years na sunud-sunod, nakapasok ako sa FHM.

“Para makapasok ka dun, isang malaking karangalan na yun dahil isa ka sa pinaka-sexy, hindi lang sa pangangatawan, siguro sa ugali at sa pagiging komedyante ko [rin].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakapasok ka dun, sa 100 na yun, so happy and proud.”

Isa lang naman ang maipapayo nito kung paano maging sexy.

Aniya, “Maging natural lang, natural lang siguro.

“Siyempre, sasabihin nila, di ba, kailangan pag sexy, meron kang harap at maliit ang bewang mo.

“Hindi naman kailangan, kumbaga, sa pag-uugali nga, di ba, hangga't natural kang tao, sexy kang tingnan.

“Mabait ka, wala kang tinatapakan, sexy kang tingnan.

“Siyempre plus na yun kung maganda yung katawan.

“Yung iba nga nakakapagrampa, hindi mataba, pero Kim Kardashian ang dating. Voluptuous.

“Mas gusto ng ibang lalaki iyun.”

[gallery id="9640"]


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN