Joey de Leon maintains good ties with ex-Eat Bulaga 'baby' Toni Gonzaga

IMAGE @AngPoetNyo Twitter

Joey de Leon tweets special shoutout to soon-to-be mom Toni Tonzaga: "Ang 'baby' namin noon... ngayon malapit nang magka-baby! Hi mommy Toni!"


Patuloy ang magandang pakikitungo ni Joey de Leon sa dating Eat Bulaga! Dabarkads na si Toni Gonzaga.

Sa kanyang Twitter post ngayong Huwebes, Hulyo 28, ibinahagi ni Joey ang throwback photo kasama si Toni na itinuring daw na "baby" ng Eat Bulaga! noong panahong nasa Kapuso network pa ito.

Komento pa ni Joey, tila kay bilis ng panahon lalo pa't malapit nang magkaroon ng sariling anak si Toni ngayon.

Magdiriwang na ng 37th anniversary ang Eat Bulaga! sa darating na Sabado, July 30.

MINI-REUNIONS. Minsan nang inamin ni Toni na pakiramdam niya ay nagalit sa kanya si Joey nang mula sa pagiging mainstay ng GMA-7 noontime show ay lumipat ang TV host-actress sa ABS-CBN noong 2005.

Ngunit sa November 2011 episode ng dating ABS-CBN talk show na The Buzz, nagkaroon ng pagkakataon si Toni na makaharap si Joey.

Dito ay nilinaw ni Joey na hindi siya nagalit kundi nalungkot lang sa biglaang pag-alis ni Toni sa Kapuso noontime show noon.

Sabi ni Joey, "Hindi, ano ka ba. Di lang tayo nagkaintindihan. Hindi ako nagagalit sa 'yo noon. Binibiro lang kita…

"O, tingnan mo naman, nung umalis ka, umasenso ka."

Bukod dito ay nakasama rin ni Toni sa iisang entablado sina Senator Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey sa awards night ng Film Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) noong September 2015.

Si Toni ang naggawad ng Lifetime Achievement Award sa tatlo noong gabing iyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN