Sunshine Dizon more than ready to face Clarisma Sison in court

IMAGE Mark Atienza

Handang-handang makaharap ni Sunshine Dizon ang diumano'y third party sa kanilang hiwlayan ni Timothy Tan na si Clarisma Sison. Sa August 10 magaganap ang paghaharap-harap ng tatlo sa hearing ng VAWC at concubinage case na inihain ni Sunshine laban sa dalawa.


Sa August 10 itinakda ang pagdinig sa fiscal's office ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) ang Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) complaint at concubinage case na inihain ni Sunshine Dizon laban sa estranged husband niyang si Timothy Tan.

Sinampahan din ng kaso ng aktres ang diumano'y third party sa hiwalayan nila ni Timothy na si Clarisma Sison.

Ayon kay Sunshine, handa siyang makaharap ang kalaguyo ng asawa.

"We'll, I'm more than ready," sabi ng aktres.

Nagkaroon na ba ng pagkakataong nag-reach out o nagparamdam sa kanya ang kampo ni Clarisma? Sa tingin ba niya ay kaya siyang harapin nito?

Nakangiting tugon ni Sunshine, "I don't know if she have the guts to show her face, but you know… We'll see about that…"

Galit pa ba siya sa kanyang asawa o may natitira pang pagmamahal sa kanyang puso para rito?

"Galit ako sa sitwasyon. Hindi ko rin kayang patawarin yung ginawa sa akin.

"But I choose to move on because I will not allow na kind of toxic thing in my life eat me up.

"I will not allow that. I choose to move on."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV reporters si Sunshine bago pa man ang hearing sa habeas corpus na inihain naman ni Timothysa Branch 229 ng QC-RTC kahapon, July 28.

STRONG CASE. Pagkatapos ng mahigit isang oras na hearing, nagpaunlak ng maiksing panayam si Sunshine at ang kanyang abugadong si Atty. Claire Castro.

Ngunit hindi sila nagbigay ng anumang pahayag kung ano ang napag-usapan sa hearing dahil sa gag order na inilabas ni Judge Cleto Villacorta ng Branch 229.

Mensahe lang ni Sunshine sa mga nakisimpatiya sa kanya, "Thank you very much for your support. Please continue to pray for me and my children."

Ayon naman kay Atty. Castro, "With regards to the VAWC and the concubinage case, definitely, malakas ang laban namin because we have all pieces of evidence to pin them down."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN