Kiko Estrada remembers the promise he made to his late grandfather Paquito Diaz

IMAGE Noel Orsal / Film Archive

Kiko Estrada on his late grandfather Paquito Diaz: "Nag-promise ako sa kanya na hindi ko siya bibisitahan hangga't wala akong... hindi ako nanalo ng best actor award."


Inamin ng Kapuso young actor na si Kiko Estrada na nagiging emotional siya kapag napag-uusapan ang kanyang yumaong lolo, ang veteran actor na si Paquito Diaz.

Si Paquito ang ama ng ina ni Kiko na si Cheska Diaz at nakilala bilang isa sa pinakasikat na kontrabida ng Philippine cinema dahil sa mga pelikula nito with the late Fernando Poe Jr.

Ayon kay Kiko, malaking impluwensiya ang kanyang Lolo Paquito sa pagpasok niya sa showbiz.

Si Kiko kasi ang unang apo kaya na-spoil siya noong nabubuhay pa ang lolo niya.

Hindi nga raw makakalimutan ni Kiko ang huling habilin sa kanya ng kanyang lolo bago ito pumanaw noong 2011.

"Nung bago siya namatay, sinabi niya sa akin, 'Ikaw ang papalit sa akin.'

"Sinabi ko sa kanya, 'Walang puwedeng pumalit sa iyo. Hindi ko kaya yun.'

"Pero nangako pa rin ako sa kanya na tutuparin ko ang gusto niya para sa akin.

"Nag-promise ako sa kanya na hindi ko siya bibisitahan hangga't wala akong... hindi ako nanalo ng best actor award," kuwento ni Kiko nang mag-guest ito sa programang Tonight With Arnold Clavio sa GMA News TV.

FUTURE FILM DIRECTOR. Bukod sa pagiging aktor, inaasam din ni Kiko na maging isang film director balang-araw.

Na-inspire daw ang Kapuso star nang gawin niya ang indie film na Diyos-Diyosan kunsaan pinatanda siya at nabigyan ng mabibigat na eksena.

Balang-araw ay gusto niyang siya naman ang nasa likod ng kamera.

"Actually, I'm making a script right now and I read about sina Stanley Kubrick and all those directors, they didn't go to film school and they just winged it.

"I wanna be around filmmakers and productive people to make art. I love filmmaking.

"I would love to direct, I would love to be behind-the-scenes."

Sa ngayon ay pinaghuhusay ni Kiko ang kanyang pagganap bilang si Jason sa afternoon teleserye ng GMA Network na Sinungaling Mong Puso, na base sa 1992 film nina Vilma Santos, Gabby Concepcion, at Aga Muhlach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng 21-year-old actor, "I know that Aga Muhlach won two best actor awards as Jason. I am challenged.

"Someday ay gusto kong manalo ng best actor award."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN