Billy Crawford on relationship with Coleen Garcia: "Basta ang alam ko sa puso ko, siya na."

IMAGE Arniel C. Serato

Ayon kay Billy Crawford, handa na siyang lumagay sa tahimik kasama ang girlfriend na si Coleen Garcia. Pero iniisip daw niya ang bumubuting takbo ng career ng kasintahan. Saad ni Billy, "It's unfair din naman sa kanya. I'm ten years older than her. She's being blessed right now."


Dalawang taon na ang relasyon nina Billy Crawford at Coleen Garcia kaya naman hindi maiwasang itanong kung kasal na ang susunod dito.

Read: Billy Crawford brings Coleen Garcia to Tagaytay via chopper for 2nd anniversary

Ayon kay Billy, handang-handa na siyang mag-settle down sa edad na 34, ngunit isinasaalang-alang daw muna niya ang magandang nangyayari sa career ni Coleen.

Sabi ng It’s Showtime host, “Kung ako lang talaga ang masusunod, in all honesty, definitely it would be now, kung ako ang masusunod.

“Pero it’s unfair din naman sa kanya. I’m ten years older than her.

"She’s being blessed right now. Sobrang daming magagandang projects ang dumarating sa kanya.

“And kailangan pa niya ng maraming matutunan with her work and personal life as well.

“Apart from that, basta ang alam ko sa puso ko, siya na.

“Yun lang naman ang importante dun, e.”

Hindi ba siya natatakot na baka mauwi sa wala ang kanilang samahan dahil baka may mangyaring hindi maganda sa relasyon nila pagdating ng araw?

Pahayag ni Billy, “Siguro lahat naman ng tao yun ang kinatatakutan when you’re in a relationship.

“When it is going to end or is it going to end? Pero bakit mo tatanungin yun?

“So, you have to cherish the moment when you have to be the best that you can be for each other para hindi mangyari yun.

“Kasi kung mangyari man yun, hindi mo na puwedeng sabihin yung ano, e, ‘Ay, it’s not meant to be,’ hindi puwede yun, e.

“Kasi, when you want it to work, you have to make it work. Yun ang natutunan ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Billy sa solo presscon nito para sa pelikulang That Thing Called Tanga Na, kahapon, July 28.

Hindi nakadalo si Billy sa grand presscon ng nasabing pelikula noong nakaraang linggo dahil nagka-pneumonia siya at kailangang i-admit sa ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PNEUMONIA. Hindi ito ang unang pagkakataon na dinapuan ng pneumonia ang Kapamilya TV host-singer.

Lahad niya, “Hindi ako naka-attend noong unang presscon, bumagsak yung immune system ko.

“Tapos bronchitis, after nun tumuloy siya sa pneumonia. So, I have to be hospitalized na.

“So, I am bedridden for two days.

“Hindi ako makahinga. Ubo ako nang ubo, tapos hindi lumalabas yung plema, tapos nanghihina ako.

“Eksakto akong papunta ng Showtime nun, mag-isa lang akong nagda-drive nun, hindi ako makahinga.

“Tumawag na ako sa doctor at nasa St. Luke’s siya, so dumiretso na ako dun.”

Whomp whomp whomp... ????

A photo posted by Billy Crawford (@billyjoecrawford) on

Nag-aalala ba siya sa kanyang kalusugan lalo na ngayon?

Pag-amin ni Billy, “Oo, kasi pangalawang pneumonia ko na ‘to, asthmatic kasi ako.

“Noong bata ako, may asthma ako, tapos natanggal yung asthma nung umalis ako sa bansa.

“Tapos ngayon nag-trigger itong bronchitis at pneumonia, parang nahirapan akong huminga.

“And before, I used to smoke din kasi, its part of it, nagki-cleanse yung baga mo, so yun.”

Pero paniniyak niya, “I’m better, I’m recovering now.”

BILLY AS BALDO. Sa That Thing Called Tanga Na, ginagampanan ni Billy ang role ng isang closet gay na security guard.

Mayroon ba siyang pini-peg sa kanyang karakter?

Tugon ni Billy, “Wala naman. Wala akong pinaggayahan.

“I tried to do my best lang.

“Yung preparation ko… buti na lang ang isa sa mga matalik kong kaibigan ay bading [Vice Ganda], so yun, malaki ang naitulong.”

Ipalalabas ang pelikula sa August 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN