Pauleen Luna on having a baby: "We've been trying. No luck yet."

IMAGE Noel Orsal

Pauleen Luna admits to feeling the pressure of having a baby already: "Yung stressful na siya for me because ako talaga, gusto ko, tapos may mga ibang tao pa."


Gusto nang mabuntis ni Pauleen Luna para magkaanak na sila ng mister niyang si Vic Sotto.

Ito ang ibinahagi ng actress-TV host nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set visit ng Eat Bulaga! nitong Huwebes, July 28.

Ipagdiriwang ng longest-running noontime show sa Pilipinas ang kanilang 37th anniversary ngayong Sabado, July 30.

Pahayag ni Pauleen tungkol sa pagkakaroon ng anak, “We’ve been trying. No luck yet.

“But hopefully soon, dasal-dasal.”

Pareho raw sila ng mister na si Vic na gustung-gusto nang magkaanak.

“Sana talaga mabigyan na kami kasi gusto na rin ni Vic.”

Ang pinakabatang anak ni Vic ay si Paulina Sotto, anak nito sa dating actress-model na si Angela Luz.

“Paulina is now 24 so the last time he had a baby in the house is 24 years ago. And we’re trying,” sabi ni Pauleen.

Hindi ba siya nai-stress sa tuwing tinatanong siya ng mga tao kung buntis na siya?

Tugon niya, “I guess nakaka-stress siya in a way and ang dami talagang nag-e-expect.

“Yung stressful na siya for me because ako talaga, gusto ko, tapos may mga ibang tao pa.

“But, you know, I just take it na excited sila na magka-baby kami. Pero we really wanna have a baby.”

Wala nga raw siyang bisyo at hindi siya nagpapagod bilang pagkukundisyon sa sarili.

“Wala naman akong vice.

“Hindi ako nagsu-soap muna, para hindi stressful yung araw-araw. I just do Eat Bulaga.

“At least, I’m still with my husband.

“At the same time, it’s light, it’s fun, short hours.”

HAPPY WITH EAT BULAGA. Samantala, 11 taon nang ginagawa ni Pauleen ang Eat Bulaga.

“Matagal na, pero it doesn’t feel like 11 years. It feels like two. Sobrang bilis sa pakiramdam,” sabi niya.

Marami raw naitulong ang noontime show sa kanya.

Bilang artista, mayroon daw siyang regular na trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang hirap sa artista yung minsan may trabaho ka, minsan wala kang trabaho.

“Ito talaga, regular. Hindi ka kakabahan.

“But as a person, I gained a family.”

Kahit daw pagkatapos ng show ay nagba-bond pa rin sila.

“We still hang out and you look forward to something every day.

“It’s like going to school and then you’re paid, and you’re having fun.

“Also, of course, I found my husband here.

“I don’t think I gained anything negative with being part of Eat Bulaga.”

Wala raw siyang balak iwan ang noontime show at mananatili siya rito hangga’t gusto pa siya.

“The people are awesome.

“What we’re doing in the show, I think, is priceless, especially dun sa mga taong nangangailangan.

“And sobrang bonus na lang talaga yung ang saya namin sa show.”

Pagdating naman daw sa kanyang mga kasama, “I am confident to say na walang tao dito na may attitude. Lahat grounded.

“Wala akong kilala dito na nagmamaganda o nag-iinarte.

“Everyone here has a good head above their shoulders so it’s a nice environment.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN