Chanel Morales opens up about relationship with boyfriend Carl Guevara

IMAGE Noel Orsal

Halos isang taon na ang relasyon nina Chanel Morales at Carl Guevara. Ayon sa dalaga, sobrang bait daw ni Carl kaya napamahal siya rito.


Hindi maitago ang kilig na nararamdaman ni Chanel Morales nang matanong tungkol sa gumagandang relasyon nila ng boyfriend niyang si Carl Guevara.

Sa kani-kanilang Instagram account ay ipinapakita ng dalawa ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Congratulations for being part of this year's Bench Body Autumn Campaign, love! I'm so proud of you ??

A photo posted by Chanel Morales (@chanelmmorales) on

@guevaracarl Thank you Mi Amor for dinner tonight! Happy ????????????

A photo posted by Chanel Morales (@chanelmmorales) on

Found a new #selfie partner ?????? #CarlNelTravels??????

A photo posted by Chanel Morales (@chanelmmorales) on

Sabi ni Chanel tungkol sa relasyon nila ni Carl, “Okay naman kami. Masaya. Mag-e-eleven [months] na yata kami.”

Sa TV5 nagkakilala ang dalawa noong aktibo pa ang istasyon sa paggawa ng mga drama series at comedy shows.

Pagbabalik-tanaw ni Chanel, “Sa Wattpad, dun lang kami nagkakilala.

“Actually before, sa Tropa pa lang, magkakilala na kami.

“But dun lang talaga kamii siguro nag-usap, naging close sa Wattpad namin.”

Ang Wattpad Presents: Cassanova’s Love Game ang pinagsamahan ng dalawa noong September 2015.

Ano ang mga katangian ni Carl na nagpamahal sa kanya?

Saad ni Chanel, “Siguro kasi nakita ko sa kanya yung qualities na, alam mo yun, na kahit matagal na siya sa showbiz, pero ang humble pa rin niya.

“Sobrang bait niya, nag-get along naman kami ng kapatid niya, ng family niya, so I think… so yun ang nagustuhan ko sa kanya.

“Every time I’m with him, I’m more of myself.

“Parang hindi ako kailangang mag-pretend. Hindi ako kailangang magpaganda.

“In-accept niya ako kung ano ako and ganun din naman ako sa kanya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chanel sa launching niya bilang isa sa Regal Babies Batch 2016, ngayong Biyernes ng hapon, July 29.

Inilunsad din kasama niya sina Danielle Lee, David Licauco, at Jerico Estregan.

Reagal Babies Batch 2016 (L-R) David Licauco, Danielle Lee, Chanel, Jerico Estregan.

NO TAMPO WITH TV5. Si Chanel ay produkto ng Artista Academy ng TV5.

Nitong 2015, unti-unting nabawasan ang mga palabas ng Kapatid network kaya naman marami sa kanilang mga talent ang naapektuhan.

Pero ayon kay Chanel, hindi naman siya nawalan ng pag-asa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Actually, sa totoo lang, yung plans ko talaga ay mag-aral.

“Kasi nung time na yun… na span na naghihintay kami ng project with TV5, nag-decide ako mag-aral ng make-up.

“So, I took up make-up artistry sa Makati.

“Eventually, the opportunity [na maging talent ni Arnold Vegafria at Regal] came, so grinab ko.

“Hindi naman ako nawalan ng pag-asa, pero ako, parang I just made use of my time to study and actually to learn para hindi rin masayang yung time.”

Nagtampo ba siya sa kanyang home network?

Sagot ni Chanel, “To be honest, hindi ako nagtampo or ano, kasi ganun naman talaga sa showbiz, e.

“You have to just wait, kasi sometime you have to wait for your perfect timing.

“Siguro may mga shows na hindi swak sa akin or they [TV5 management] had problems with Viva sa partnership nila, so I think yun yung ano [dahilan na walang projects masyado].

“Pero hindi ako nagtampo kasi I owe them naman everything, e.

“Dun ako nagsimula, e, so thankful ako sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN