Myrtle Sarrosa determined to return to her wholesome image

IMAGE Noel Orsal

Myrtle Sarrosa on FHM 2014 stint: "There's a part of me na talagang minsan iniisip ko na parang, 'Bakit ko 'yon ginawa?" 


Desidido si Myrtle Sarrosa na tanggalin na ang pagkakaroon ng sexy image.

Matatandaang naging cover girl ng FHM Philippines si Myrtle noong November 2014 na naging hudyat upang ipakita ang kanyang sexy image.

Pero determinado ang actress-host na bumalik sa wholesome image niya.

Sabi ng aktres, mahal niya ang editorial team ng nasabing men’s magazine

“There’s a part of me na talagang minsan iniisip ko na parang, ‘Bakit ko ‘yon ginawa?” kwento ni Myrtle sa launching niya bilang bagong ambassador ng Sisters sanitary napkin and pantyliner, na ginanap sa Oriental Palace Restaurant sa Tomas Morato, Biyernes, July 31.

Pinagsisisihan ba niya ang pagpo-pose nang sexy sa nasabing men’s magazine?

“Hindi naman nagsisisi kasi andami rin naidulot na maganda sa akin. It brought me a lot of maturity. I did it at such a young age, I was 19, now I’m 21.”

May natutunan din si Myrtle sa karanasang iyon.

“Dati sinasabi nila sa akin, 'Strike while the iron is hot.' Pero na-realize ko ngayon, sometimes when the iron is too hot and you strike, nasusunog mo yung whatever it is…”

Dagdag niya, “So ngayon, isa 'yon sa mga dahilan kung bakit I’m trying my best to avoid being sexy.”

Gayunpaman, bukas naman siya na gawin ito depende sa acting project.

“If there is like a redeeming factor to a story… for example, if I’m doing Ipaglaban Mo, 'tapos redeeming naman yung story, I’m game naman for it.

“Anything else like movie, 'tapos yung role ko wala namang redeeming factor, at the end [wag na].

“Sinasabi ko na tanggihan na lang muna. I wanna be someone na at the end of the day, proud ako sa sarili ko, proud ako sa ginagawa ko.”

Gusto raw ni Myrtle na mas maging makabuluhan ang kanyang ginagawa.

Gusto natin na 'pag gumising tayo every day, maganda yung naidudulot natin sa kapwa natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN