Rhian Ramos visits crisis center for abused women

IMAGE Noel Orsal

Rhian Ramos feels thankful for being enlightened about the plight of abused women when she visited the SAGIP (Saklolo at Gabay ng Ina at Pamilya) crisis center recently


Para mas maka-relate si Rhian Ramos sa kanyang role bilang isang battered wife sa GMA-7 afternoon teleserye na Sinungaling Mong Puso, bumisita ito sa isang crisis center na SAGIP (Saklolo at Gabay ng Ina at Pamilya) Crisis Center for Abused Women and Children noong nakaraang July 28.

Nakipagkuwentuhan ang Kapuso leading lady sa mga kababaihan doon at inalam niya ang mga kuwento ng kanilang abuse mula sa mga lalaking pinagkatiwalaan nila.

Humanga si Rhian sa ilang mga survivors ng domestic abuse dahil nagagawa nilang ikuwento ito sa iba para magsilbing babala at aral ang kanilang pinagdaanan.

EMPOWERING WOMEN. Sa pamamagitan ng ganitong forum, inaasahan ni Rhian na ang mga ibang babae gaya niya ay mag-isip nang mabuti tungkol sa pagpasok sa isang relasyon, lalo na kung may pang-aabuso na silang nararanasan.

Inamin ni Rhian sa isang interview na naranasan din niya ang magkaroon ng isang abusive relationship, pero naging tahimik lang siya tungkol dito. Kaya kahit paano ay naka-relate si Rhian sa mga kuwento nila.

Nagdala pa ang aktres ng ilang episodes ng teleserye niya na Sinungaling Mong Puso para ipanood sa mga kababaihan sa naturang crisis center.

Pagkatapos ng screening ay naghanda pa si Rhian ng konting salu-salo na niluto pa ng sarili niyang ina.

MESSAGE. Heto ang pinost ni Rhian sa kanyang Instagram account tungkol sa kanyang experience with the women of SAGIP:

“Spent the afternoon with the clients and staff of Sagip. Without judgement, we had an open forum on the trials and experiences of being in an abusive relationship, watched and reviewed a couple eps of Sinungaling Mong Puso, and had a meal that my mom made us this morning.

“Thank you to all involved in making this afternoon a truly meaningful one.

“Thank you Sagip for opening your doors to us, to their clients for being so honest and baring their hearts, @cyberhians for always supporting every event, @gmadrama for facilitating the viewing, to Sir Kokoy for your involvement above and beyond anything that could be considered "work", and mom for making us your specialty..napa-kanin tuloy ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang SAGIP ay isang 24-hour crisis center na may ilang mga programang tumutulong sa mga kaso ng abuso laban sa mga babae at mga bata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN