Kim Domingo reveals non-showbiz cager boyfriend

IMAGE Kim Domingo's Instagram

Kim Domingo hints at reason for breakup with former BF of almost six years: "Hindi po siya tungkol sa trabaho, hindi po siya tungkol sa pagpasok ko ng showbiz o selos, wala pong ganung factor. Pero kumbaga, kasi mahal mo kaya kahit ayaw mo, bumabalik at bumabalik."


Isa sa mga rumampa sa nakaraang victory party ng FHM's 100 Sexiest Women ay ang bagong Kapuso star na si Kim Domingo. Kahit bago pa lang sa industriya, mabilis na nakasama ang pangalan niya sa hanay ng 100 Sexiest.

Posibleng malaking bagay rin sa kanyang pagkapanalo ang karakter na ginagampanan niya bilang si Agatha sa kauna-unahan naman niyang primetime series sa GMA-7, ang Juan Happy Love Story.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Kim sa set visit ng Juan Happy Love Story sa New Manila noong July 28, kinumusta namin ang naging experience niya sa pagrampa.

“Medyo kinabahan po. As usual, palagi po akong kinakabahan,” natawang pag-amin ni Kim.

Bakit siya kinabahan?

Pag-amin niya, “Ganun po talaga ako sa lahat ng bagay--interviews, rampa. Yun po.

“Sa FHM 100 Sexiest po, first time ko pong rumampa kasi. First time ko lang din pong nakapasok.”

SHOWBIZ NEWBIE. Kung tutuusin, walong buwan pa lang halos si Kim sa showbiz.

Nagsimula raw siya sa Bubble Gang noong December 2015, pero Marso lang ng taong ito nung nakapirma na siya ng kontrata.

Pero sa loob lang ng ilang buwan, masasabing mabilis na rin ang pag-angat niya.

“Sobrang happy po,” masayang sabi niya.

“Yun nga po, tuluy-tuloy lang ang trabaho.”

Bata pa lang daw siya, gusto na talaga niyang mag-artista, pero ngayon lang ito naging katuparan. Pero dati, hindi itinanggi ni Kim na may mga artista search na raw siyang sinalihan.

Ilan sa mga ito ay ang Artista Academy at Pinoy Big Brother, pero parehong hindi raw siya nakapasa.

Kuwento niya, “Actually, noong high school po, nagte-taping-taping na rin po ako. As talent lang po, crowd, ganun po.”

Sa ngayon, exclusive daw siya sa GMA Artist Center management.

WORKING WITH HEART AND DENNIS. Masuwerte nga si Kim dahil unang serye pa lang niya, ka-love triangle na siya nina Dennis Trillo at Heart Evangelista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman siya sa dalawa?

Saad niya, “Noong una ko pong kaeksena si Ms. Heart, kinakabahan po ako.

“Tapos, may mga scenes pa po kami na nagsasabunutan, kaya nagpapaalam po ako sa kanya.

“Pero okey po, sobrang mabait naman po silang lahat at saka, professional po. Lalo na si Dennis.

“'Di ba may mga eksena kami na medyo [daring] … pero at least, gentleman naman po siya.”

Hindi naman siya kinakabahan sa mga intimate scenes nila ni Dennis?

“Noong una po, siyempre kinakabahan, kasi Dennis Trillo,” natawang pag-amin niya.

Sa karakter niya sa Juan Happy Love Story ay agresibo siya.

Sa totoong buhay, ganun din ba siya?

“Hindi man po halata, pero mahiyain po ako.

“Kahit na naglalabas ako ng katawan, hindi man po kapani-paniwala,” natawang sabi niya.

INVESTMENT. Sa loob ng walong buwan, malaki na nga rin daw ang nabago sa buhay niya nang maging isa siyang Kapuso star.

Ayon kay Kim, “Noong nagmo-modeling po kasi ako at nanalo ako sa isang contest, pinang-down ko ng isang bahay.

“Bale 19 years old po ako noong makuha ko siya. Hanggang ngayon po, hinuhulugan na lang, buwan-buwan.

“Fifteen years to pay po siya, hindi ko pa po napu-full payment.

LOVE LIFE. May non-showbiz boyfriend si Kim na isang basketball player.

Bago pa lang daw sila nito dahil ang matagal niyang nakarelasyon ay ang ex-boyfriend niya of almost six years.

Ano ang nangyari sa huling boyfriend niya?

Pagklaro niya, “Hindi po siya tungkol sa trabaho, hindi po siya tungkol sa pagpasok ko ng showbiz o selos, wala pong ganung factor.

“Yung problema po namin, noon pa man, simula nang magkakilala kami hanggang sa magtagal.

“Pero kumbaga, kasi mahal mo kaya kahit ayaw mo, bumabalik at bumabalik.”

Isang buwan pa lang daw sila ng bagong boyfriend niya.

Natawa si Kim nang hiritan ng press na may pagka-Taylor Swift pala ang drama niya na madaling nakaka-move on at nakakahanap ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa raw kasing isang buwan mula noong naghiwalay sila ng ex-boyfriend niya.

“Yun nga ang inaasar nila sa akin,” natawa niyang sabi.

“Hindi naman.

“Kasi, bago pa talaga kami maghiwalay, hindi pa talaga kami okey.

“Noong mag-break kami, doon ko pa lang siya nakilala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN