Liza Soberano clarifies Enrique Gil's statement that they're officially on: "Walang ganun."

IMAGE Liza Soberano's Instagram

Liza Soberano clears Enrique Gil's previous statement that they're already officially in a relationship: "Walang ganun. Yung lolo ko ayaw pa niya, yung Daddy Jeff ko. Sabi niya hintay daw ako, mga 25."

 


Marami ang natuwa, kinilig at nagbunyi na LizQuen fans sa naging pahayag ni Enrique Gil sa nakaraang interview sa kanya sa Tonight With Boy Abunda last July 13 kunsaan inamin niya na para sa kanya ay “boyfriend-girlfriend” na ang estado ng relasyon nila ni Liza Soberano pero wala pang pormalidad ang lahat dahil hinihintay pa nila ang blessings ng pamilya ng aktres.

Pero sa set visit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa Dolce Amore nung nakaraang Miyerkules sa Star City, agad namang nilinaw ni Liza na hindi pa sila umaabot sa pagiging magkasintahan ng kapareha, lalo’t hindi pa talaga payag ang kanyang pamilya na magkaroon na siya ng boyfriend.

“Walang ganun. Yung lolo ko ayaw pa niya, yung Daddy Jeff ko. Sabi niya hintay daw ako, mga 25," ani Liza.

Sa sabay na interview naming ito kina Enrique at Liza ay nilinaw naman ng aktor na kahit hindi pa nga sila officially mag-on ay malalarawan niya na “exclusively for each other” ang espesyal na namamagitan sa kanila ni Liza; bagay na sinag-ayunan naman ng aktres.

Sabi ni Enrique, “Kung gusto niya? Gusto mo ba? Ako, okey lang. “

Nagbiro rin si Enrique na si Liza ang kanyang dream girl.

Nang tanungin naman namin si Liza kung si Quen na ba ang masasabi niyang dream boy niya, mas nakakakilig ang sagot sa amin ng aktres.

Deklara niya, “He’s the man of my dreams.”

HIGH RATINGS. Consistent ang high ratings ng Dolce Amore kunsaan 'di bumababa sa 30% ang ratings nito araw-araw ayon sa survey ng Kantar TNS Media.

Dahil itinapat ng GMA-7 ang Koreanovelang Descendants of The Sun sa Dolce Amore, agad naming tinanong si Liza kung hindi ba sila nakaramdam ng kaba na isang hit na Korean drama ang tinapat sa kanila ng kabilang istasyon?

“Nakakatuwa kasi these past weeks parang pare-pareho ang ratings namin as in consistent siya. 35 point something.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinabi nga sa akin na naging hit serye siya pero nagtiwala lang kami sa mga solid supporters, sa mga tagasubaybay ng Dolce Amore,” pagpapasalamat ni Liza.

WELCOMING JOSEPH. Sa pagkamatay ng karakter ni Gian Carlo na ginampanan ni Matteo Guidicelli ay ipinasok naman ang karakter ni River Cruz na ginagampanan naman ni Joseph Marco.

Sii Joseph ang bagong third wheel sa pagmamahalan nina Serena (Liza) at Tenten (Enrique) sa istorya.

Pinagkuwento naman namin ang aktres kung paano ang naging pag-welcome nila kay Joseph sa set ng Dolce Amore.

Ani Liza, “May pagka-third wheel siya pero 'di masyadong third wheel, pero 'di naman siya kaiinisan ng tao.

“Ako kagabi ko lang siya nakasama, two sequences lang din, madaling araw.

“I don’t know how they welcomed him kasi 'di naman niya first day yun, pero nung pagkita ko sa kanya sabi ko, 'Hi, congrats, kasama ka dito.' Very professional.

Sa interview din namin kay Joseph ay nabanggit nito na para sa kanya ay si Liza ang pinakamagandang artistanbg babae sa kasalukuyan.

Ayaw naman itong seryosohin ng aktres.

Pabiro niyang tugon, “Totoo? Sinabi niya lang yun kasi nasa Dolce Amore na siya.

“Reaction? Wala naman, nakakatuwa naman. Thank you, Joseph!”

ADMIRING PIOLO. Isa sa naging bukas din tungkol sa kanyang paghanga kay Liza ay ang aktor na si Piolo Pacual.

Aminado naman si Liza na crush din niya si Piolo pero hindi para gusuthin niya na maging boyfriend ito.

“Piolo? 'Di totoo yun, inaasar lang niya ako.

“Nakakatuwa naman. Cute.

“Mas matanda pa nga sa akin si Inigo.

“Actually, it’s an honor na maging crush ka niya, crush ko rin si Piolo, actually.

“Feeling ko, lahat naman crush si Piolo kasi icon siya, e.

“Parang Papa P, 'di ba? Everyone loves Papa P.

“Hindi naman crush na gusto kong maging boyfriend, pero I look up to him naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONCERT. Sa nalalapit na pagtatapos ng Dolce Amore ay kumpirmado nang isang concert ang pinaghahandan ng buong cast ng nasabing kiligserye, ang Dolce Amore, #Choose Love na gaganapin sa August 20 sa Kia Theater.

Masayang nagkuwento si Liza na maraming dapat abangan sa concert nilang ito.

“Nakakatuwa, sold out na raw yung tickets in 30 minutes lang.

“Ang galing, ang galing ng fans! Sana ma-sold out lahat ng tickets overall.

“Singing, dancing, but most of all, dapat abangan nila.

“It’s a good time, kasi kasama kami the whole cast. Isipin ninyo yun, si Direk Bobot [Mortiz], sasayaw?”

REVELATION? Biniro namin si Liza kung may aaminin ba sila sa concert nila gaya ng ginawa noon nina James Reid at Nadine Lustre kunsaan inamin ng dalawa ang kanilang relasyon sa kanilang concert.

“Aaminin namin na patapos na ang Dolce Amore.

“Magugulat na lang kayo na sa concert namin kasal na kami.

“Hindi boyfriend or girlfriend, kasal na pala.

Sabay bawi nito ng, “Hindi, joke lang!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN