Billy Crawford not as confrontational with bashers compared to Luis Manzano

Billy Crawford on Luis Manzano: "Minsan kasi, tatawag 'yan, manghihingi ng advice. Dun ako nagugulat sa kanya minsan, 'Billy Boy, I don't know what to do, how it was possible, ganyan-ganyan.'"


Nahirapan daw si Billy Crawford sa pagganap niya sa kanyang gay character para sa That Thing Called Tanga Na ng Regal Films.

Sa kanyang movie comeback ay gaganap si Billy bilang closet gay na security guard.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Billy sa solo presscon niya para sa pelikula noong July 28 sa Valencia Events Place, New Manila, sabi niya, “Of course, nahirapan din, kasi as an actor, to portray a gay role, it’s very difficult, kasi ayaw mong masaktan.

Ayaw mo naman na maging O.A., masaktan ang LGBT.

“So ako, I asked a lot of my friends, si Vice Ganda, staff din kung paano ba yung alam mong bakla ka, pero tinatago mo.

“It took a while for me to adjust, pero napakahusay ni Direk Joel [Lamangan], e. Parang gina-guide niya ako.

“Parang, 'Bawas-bawasan mo, bigay mo nang todo rito,'” saad niya.

Bilang isang performer/celebrity, lapitin ba siya ng mga bading?

“Nagsimula ako four years old, hindi ko nga alam kung lapitin ba ako ng bading o hindi.

“Tuwing lalapitan ako, papakandong, yun ang ano sa akin,” natawang pag-alala niya.

“Marami akong mga gays na kasama sa trabaho, kaibigan.”

Ligawin ba siya ng mga bading?

“Never naman akong niligawan,” saad niya.

LESSONS FROM RELATIONSHIPS. Base nga sa titulo ng pelikula niya kunsaan kasama niya rin sina Kean Cipriano, Mart Escudero, Eric Quizon, at Angeline Quinto, diretsahan naming tinanong si Billy kung naging tanga na rin ba siya sa pag-ibig.

Aniya, “Lahat naman tayo naging tanga sa pag-ibig.

“I mean, generally speaking, we do things for love at may matututunan ka rin namang lesson dun.”

Ano ang pinaka-tangang ginawa niya?

“Yung nagmahal ka ng isang tao, 'tapos lolokohin ka, yun ang tanga run.

“Ibibigay mo, ibubuhos mong lahat para sa kanya, tapos yun pala, niloko ka lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ibang naging lalaki?

“Oo,” pag-amin niya.

Pero matagal na raw niyang karanasan yun, nung nasa ibang bansa pa siya.

ON RELATIONSHIP WITH COLEEN. Masaya raw siya kapag kasama ang girlfriend na si Coleen Garcia. Kaya sa palagay ni Billy, isa ito sa mga dahilan kung bakit nagwu-work ang relasyon nilang dalawa.

“I enjoy her company, sobrang I feel young kapag kasama ko si Coleen.

“Ang dami niyang energy na binibigay sa akin.

“I feel young, to be young and to be myself. Sa kanya naman, sa maturity rin.

“So, we just really balance each other out.

“Hindi naman maiiwasan na sa relationship, hindi kayo mag-aaway-away, pero yung the way that she used to handle a problem, iba.

“Tapos, ngayon, iba na kaming mag-handle ng problem ng isa’t isa. We communicate with each other and yung maturity niya.”

SIMPLE WEDDING. Kung hahantong na nga sa kasalan ang relasyon nila ni Coleen, paano niya nakikita ang magiging kasal nila?

“Very simple,” saad niya.

“Of course, everything that she wants.

“But I don’t want it na glamorous na nagpapakitang-gilas ka na sa buong mundo na, 'Hey, ikakasal ako!'

“The wedding is supposed to be between us and God, yun naman ang importante run and the rest is family.”

Pero ang kasal naman daw ay hindi pa mangyayari sa ngayon dahil alam din niya na nag-e-enjoy pa si Coleen sa mga ginagawa nito.

SIMILARITIES WITH LUIS. Aware naman si Billy na dahil sa closeness nila ni Luis Manzano, may mga nagbibigay ng malisya sa pagiging magkaibigan nila.

Watch: 10 #Bromance goals in showbiz

Sa isang banda, marami ba silang pagkakapareho ni Luis?

“Yung in common namin siguro, opposite kami.

“Kung ano ang desisyon niya, desisyon niya. Kung ano yung common denominator namin is sa trabaho, we’re both hosts.

“Pangalawa, minsan kasi, tatawag ‘yan, manghihingi ng advice. Dun ako nagugulat sa kanya minsan, 'Billy Boy, I don’t know what to do, how it was possible, ganyan-ganyan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, sino ba kausap ko? Kasi, never nanghihingi nga advice yun. He’s a very intelligent person and he’s a very nice guy.”

Ano ang madalas na inihihingi ni Luis ng payo sa kanya?

“Usually about business and lovelife, yun lang namang dalawang yun.”

Paano niya pinapayuhan si Luis, lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon?

“Matanda na si Luis,” natawang sabi naman ni Billy.

Hindi ba siya tinatanong ni Luis kung bakit yung relasyon nila ni Coleen ay nagtatagal ngayon?

“Never niya 'kong tinanong dun.

“Luis knows what he’s doing. Yun naman ang gusto ko sa kanya.

“At bilang kaibigan ko siya e suportahan ko regardless of what it is.”

HANDLING BASHERS DIFFERENTLY. Pero pagdating din daw sa pag-handle ng online bashers, magkaiba rin sila.

Kung nagre-react si Luis, siya raw ay hindi mapag-react sa mga bashers.

Watch: 10 times Luis Manzano retaliated against bashers and won

Anong maipapayo niya kay Luis pagdating sa mga bashers?

“Well, I haven’t talked to him about it,” natawang sabi niya.

“Siya na lang muna kaya ang kausapin ko tungkol dun, kesa unahan ko.”

Dugtong din ni Billy, “Iba rin naman kasi kung yung mga bashers, nag-iimbento ng mga kuwento na ikasasama ng pamilya mo.

“Iba na yun, personalan na yun.

“Kaya nga ako, kung may gusto kayong sabihin, mas gusto ko na lapitan niyo ako, harapin niyo ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN