Kim Domingo admits working in girlie bar in the past, getting indecent proposals

IMAGE Rose Garcia

Kim Domingo on indecent proposals: "Siyempre po, nasasaktan, kasi hindi porke't pa-sexy ang image mo, pokpokin ka na, madali kang makukuha."


Aminado ang bagong sexy star ng Kapuso network na si Kim Domingo na kahit hindi pa siya artista, may mga indecent proposal na siyang natatanggap.

Kadalasan daw ay mula sa mga tinatawag na D.O.M. (dirty old men).

“Sa modelling po, hindi po talaga maiiwasan, meron po talagang mga ganun.

“Pero hindi po ako pumapayag,” sabi ni Kim nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa set visit ng primetime series na Juan Happy Love Story.

Dagdag pa niya, “Siguro po, baka meron na kong sasakyan ngayon.

“E, pinag-iipunan ko pa po ang sasakyan ko.”

Ano ang pinaka-indecent proposal sa kanya?

“Bahay, lupa, sasakyan, at saka monthly allowance.”

Paano niya tinanggihan?

“Hindi po sa akin personal sinabi ng taong yun.

“Kumbaga, nakarating lang po sa akin.

“Parang sabi, 'Uy, may naghahanap sa ‘yo, ganito, ganyan, gusto kang suportahan.'”

Ngayong nag-artista siya, mas dumami ba ang indecent proposal na natatanggap niya?

“Medyo po, dumami. Noong nag-FHM po ako,” sagot niya.

PROMO GIRL. Inamin din ni Kim na totoong nagtrabaho siya sa isang girly bar, pero hindi raw ito sa Pegasus kung hindi sa Hollywood Bar and Restaurant.

Base sa kuwento niya, para siyang promo girl dito.

Hindi siya sumasayaw dun?

“Ay, never po akong nagsayaw. Nagbebenta po kami ng alak, Remy Martin po.

“Siguro mga six months lang po ako dun.

“Pero hindi po totoo na nagsayaw po ako dun, wala rin naman po silang ebidensiya na nagsayaw ako.”

Hindi rin siya nate-take out?

“Ay, hindi po ako ganun,” diin ni Kim.

BASHERS. Sa isang banda, baguhan man, pero marami na rin palang bashers si Kim. May mga naninira o may nanghuhusga sa kanya.

Ano ang nararamdaman niya sa mga ganun?

“Siyempre po, nasasaktan, kasi hindi porke’t pa-sexy ang image mo, pokpokin ka na, madali kang makukuha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Makukuha ka ng pera, pero hindi po ako ganun.”

May isyu rin sa kanya na diumano’y nakipag-date daw siya sa isang politician sa ibang bansa.

Saad ni Kim, “Ayoko na po... actually, may kasama po akong empleyado ng [GMA] Artist Center.

“Ayoko na rin pong idetalye, pero iba po ang in-expect naming trabaho.

“Hindi ko rin po alam na ganun, pero ayoko na lang din pong idetalye.

“At saka, may kontrata rin po yun.”

Nakahanda na ba siya na mas marami pang intrigang ididikit sa kanya, posibleng maisyu rin siya sa iba pang D.O.M. o pulitiko?

Sagot niya, “Ready po ako at saka wala rin po silang makukuha na naggaganun po ako.

“At saka, kahit before pa, bago pa ko mag-modelling, talagang ang buhay namin, mahirap.”

STILL SEARCHING FOR HER DAD. Natawa naman si Kim sa sinabi ng press na sa kutis at looks daw niya, hindi maiisip na galing siya sa hirap.

“Yun nga po, e.

“Pero siguro po, kasi ang tatay ko kasi, French.

“Pero hindi ko na po siya nakita, sa picture lang po.”

Sinubukan na rin daw niyang hanapin sa social media ang ama, pero wala raw siyang mahanap.

Sa larawan daw na hawak niya, medyo matanda na rin ito kaya hindi rin daw siya sigurado kung buhay pa nga.

“Pero siyempre po, wish ko siyang makita.

“Kasi, hindi rin naman niya alam na nabuntis niya ang mommy ko.”

Ibinalita na rin ni Kim na itatampok sa Magpakailanman ang kanyang life story, kunsaan siya mismo ang gaganap sa buhay niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN