Myrtle Sarrosa reveals reason behind breakup with former BF Brian Llamanzares: "It was really the family."

IMAGE Noel Orsal

Myrtle Sarrosa discloses the reason behind her breakup with former BF Brian Llamanzares: "Yun ang naging dahilan niya sa akin—it was really the family, kailangan nilang mag-focus on the campaign and everything. There are some things na kailangan niyang i-let go. It was not clear nung nag-break kami, kaya di ko rin masabi yung tamang dahilan."

 


Hangga’t maari ay ayaw na sanang pag-usapan pa ni Myrtle Sarrosa ang anumang may kaugnayan sa ex-boyfriend niyang si Brian Llamanzares.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Myrtle sa launching presscon niya as new Sisters product endorser nung Biyernes, hindi rin nakaiwas ang aktres sa mga tanong sa kanya ng media tungkol sa dating kasintahan.

“Ay naku, ayoko nang pag-usapan, ayoko na ng ganung tanong.

“Ayoko nang pag-usapan, kasi ngayon I want him to have his own...

“Ayoko na rin na tuwing may interview siya ang tinatanong tungkol sa akin.

“He has his own life na rin kasi. I just want him to be happy and ganun na rin siya para sa akin.

“Ngayon, iniiwasan ko na lang pag may interview, pag tatanungin ako tungkol sa kanya, iiwasan ko na yun,” lahad niya.

Sa mga interviews noon ni Myrtle ay nabanggit nito na wala silang naging closure ni Brian pero ngayong taon pala ay nagkaroon sila ng pagkakataon para makapag-usap at magkaroon na rin ng closure ang kanilang relasyon.

Sabi niya, “Nung last year kasi, nag-e-effort siya for us to talk. Ako yung nag-close ng door ko.

“Earlier this year parang gusto ko na to end lahat ng parang bad blood sa amin.

“Nagsabi na ako na okay na ako, okay na rin siya, we were just there to say na we’re gonna be happy for each other. Good luck na lang kung ano ang mangyayari.”

REASON BEHIND BREAKUP. Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagtatanong kung paano raw kaya tinaggap ni Myrtle ang naging desisyon ni Brian at paano niya tinuruan ang sarili para makapag-move on.

Kuwento niya, “Eight months niya akong niligawan. One year kami.

“First boyfriend ko siya in my entire life.

“We broke up nung election period.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro kasi mayroon din siyang kailangang i-puruse for his own dreams, tapos yung family niya.

“Yun ang naging dahilan niya sa akin—it was really the family, kailangan nilang mag-focus on the campaign and everything.

“There are some things na kailangan niyang i-let go. Siguro yun na lang ang sinasabi ko sa sarili ko pero it was not clear.

“It was not clear nung nag-break kami, kaya di ko rin masabi yung tamang dahilan.”

Ngayong nakapag-usap at nagkaroon na ng closure ang isang taong relasyon nila, wala na rin palang komunikasyon sila Myrtle at Brian.

ON SAM CONCEPCION. Hiningan din namin ng reaksyon si Myrtle kung totoo ba na ilang beses silang lumabas noon ni Sam Concepcion.

“We go out as friends. Na-link kami sa Your Face [Sounds Familiar] pero it was a friend thing.

“Siguro dahil nahiya din kami sa isa’t isa.

“Nung time na yun, it was few months after my break up, tapos biglang may niligawan siyang ibang artista [Jasmine Curtis]. Kaming pareho, parang ang weird para sa amin, so we just chose be just friends.

“Nagkita kami sa GGV [Gandang Gabi Vice] a few weeks ago. Binigyan ko siya ng album ko, so hayun.”

“Nanligaw kay Jasmine? Di ko na siya iniisip. I just want him to be happy. Kung magiging bitter ako sa kanya, wala na akong makukuha,” pahayag niya.

TRAUMATIZED? Ayon naman kay Myrtle, open naman siya sa mga manliligaw, pero sa ngayon ay doble ingat na rin siya dahil sa nangyari sa kanila ng ex-bpoyfriend sa kabila na na-overcome na niya kung anuman ang sakit na napagdaanan niya.

Saad niya, “Ready ako to entertain another suitor pero kinakabahan talaga ako.

“Siguro dahil sometimes kasi when you fallen in love, when you’re in love, yung oras mo binibigay mo sa kanya.

“Ako kasi when I love kasi, unconditional ako when I love someone, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di naman bigay lahat pero yung oras ko, binibigay ko talaga sa kanya.

“Kaya siguro nung nasaktan na ako, may tendency na ako na pag may manliligaw especially pag showbiz, parang at the back of my mind, 'Ah showbiz ito, showbiz ito.'

“Parang takot na akong mag-entertain na.

“Di naman siya trauma, pero lahat naman siguro tayo pag nasaktan, we’re afraid to love again or to give the same kind of love to a person.”

“Yes, totally move on na ako.

“Ang tagal kong iniyakan, ilang buwan kong iniyakan, kaya parang takot na ako to give the same love tapos iiyak na naman ako uli.”

STILL FINISHING HER STUDIES. May mga balitang lumabas na cum laude daw sa UP Diliman si Myrtle.

Dahil dito ay marami ang bumilib dahil napagsabay niya ang pag-aaral at showbiz na bihirang magawa ng mga tulad niyang artista.

Pero nilinaw naman agad sa amin ng dating PBB grand winner na hindi totoo ang nasabing balita.

Sa ngayon ay candidate pa lang daw siya as cum laude at may isang taon pa siyang bubunuin bago maka-graduate.

Paglinaw niya, “Kina-clarify ko nga siya sa bawat interviews ko na sinasabi ko na candidate for cum laude.

“Ngayon nga, I’m on my last year sa UP Diliman and I am studying Broadcast Communication.

“Isa talaga sa nag-inspire sa akin ay si Ate Bernadette Sembrano na nakasama ko sa UKG [Umagang Kay Ganda].

“Siya yung isa talaga sa nag-push sa akin na dapat aside from showbiz, ginagawa mo rin yung studies mo kasi lagi akong kinakabahan.

“Ini-encourage niya talaga ako.

“Isa rin sa nag-push sa akin si Tita Winnie [Cordero].

“Si Tita Winnie kasi, lagi ko siyang nakakasama dati, everytime na naghu-host ako sa Umagang Kay Ganda.

“Una, kinakabahan talaga ako palagi, lagi akong kinakabahan in front of the camera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ini-encourage niya ako na hindi lang kailangan nagbabasa ako ng script, di ka lang kailangang nagsasalita.

“Dapat ikaw din mismo, alam mo ang buong kuwento ng sinasabi mo in front of the camera because you’re here to tell a story, to the audience, to the people.

“Kinukuwento mo, pero make sure na nag-e-enjoy ang mga tao na nanonood sa iyo.”

NEW ENDORSEMENT. Si Myrtle ang bagong endorser sa ngayon ng Sisters sanitary napkin kung saan siya ang pumalit sa dating endorser nito na si Maja Salvador.

Aminado naman ang aktres na may pressure at kaba siyang nararamdaman dahil alam niya kung gaano kahusay at nakagawa na rin ng pangalan sa showbizness si Maja.

Pag-amin niya, “Mayroong pressure talaga.

“Si Maja Salvador is Maja Salvador—dami nang nagagawa, dami nang napatunayan with more than ten years na nandito siya sa industriya.

“So nung sinabihan na ako na ako ang mag-e-endorse, kinabahan ako.

“Pero at the same time, grateful din ako dahil binigyan nila ako ng opportunity para mapakita naman another side na puwede sa Sisters.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN