Paolo Ballesteros learns lesson from six-month suspension: "Bawal ang maldita."

IMAGE Paolo Ballesteros Instagram

Paolo Ballesteros clarifies when he'll be rejoining his Eat Bulaga Dabarkads: "Ang sabi kasi sa akin, six months. Nakaka-four months na ko, so parang sa September ang six months ko."


Simula noong biglang nawala sa Eat Bulaga at mabalitang na-suspend si Paolo Ballesteros dahil sa isang post niya sa kanyang social media account, tila naging mailap siya sa mga interview.

Sa katunayan, noon pa lang daw siya muling nakapanayam ng mga reporters—sa press visit namin sa kanya para sa unang araw ng shooting ng bago niyang pelikula, ang Bakit Lahat Ng Guwapo May Boyfriend.

Kinumusta muna ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo nang makausap ito noong July 28 sa St. Vincent Church, Tandang Sora, Quezon City kunsaan ginanap ang shooting ng pelikula.

“Masaya naman, keri lang, pagod pero okey lang,” saad ni Paolo.

“Ngayon lang kami nag-start dito sa Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend, pero nag-start na rin kasi ako sa isa ko pang movie, yung Die Beautiful, na inaabot hanggang umaga.”

MORE TIME TO MAKE MOVIES. Sa ngayon, puro pelikula raw ang pinagkakaabalahan niya.

“Siyempre masaya, napagbigyan, nabigyan ng chance, di ba?

“Pero siyempre, nakaka-miss din naman ang Bulaga,” pag-amin niya.

Tinanong tuloy namin si Paolo kung masasabi niyang blessing in disguise ang pagka-suspende siya sa Eat Bulaga dahil nagkaroon nga siya ng oras na makagawa naman ng mga pelikula.

Aniya, “Well, siyempre ayoko namang sabihin na blessing yung natsugi ako, di ba?

“Siguro lang, baka ano... baka nakatadhana lang na ganun, sadyang ganun lang ang pangyayari dapat.”

Pero sabi nga namin, kung hindi rin siya nawala sa EB, mahihirapan siyang makagawa ng pelikula.

Pagsang-ayon niya, “Mahirap kasi, priority namin ang Bulaga, e.”

SUSPENSION. Dahil ginamit niya ang salitang “natsugi,” nilinaw namin kay Paolo kung tsugi na nga ba siya o katulad ng mga nababalita ay pansamantalang suspensiyon lang na anim na buwan ang?

Paglinaw niya, “Hindi naman.

“Sabi kasi, six months.”

Ano talaga ang status niya?

“Bakasyon, bakasyon na may time limit,” natawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malapit na ba siyang bumalik?

“Ang sabi kasi sa akin, six months.

“Nakaka-four months na ko, so parang sa September ang six months ko.”

Sa September, makakabalik na siya?

“Dapat, sana,” natawang sabi ni Paolo.

MISSING THE DABARKADS. Hindi naman niya itinatangging nami-miss na niya ang Eat Bulaga.

“Sobra! Oo naman,” pag-amin niya.

Napapanood niya?

“Actually, hindi nga. Bihira.

“Minsan, tulog ako or minsan napapanood ko naman. Nakaka-miss, siyempre.”

Marami rin naman ang nakaka-miss sa kanya, sabi namin.

“Oo nga, nakaka-overwhelm nga sa Twitter.

“Kapag binuksan ko ngang lahat, puro, 'I miss you, I miss you.'

“Pati sa Instagram, yung mga comments, puro, 'I miss you, I miss you.'”

Ano ang pinakanami-miss niya?

“Siyempre yung hosts, pero nami-miss ko rin kasi yung mga ini-interview naming nananalo.

“Yung mga lola, kasi ang sarap kausapin ng mga matatanda.”

Nami-miss din ba niyang maging Lola Tidora?

“Siyempre nami-miss din.

“Kahit saan ako magpunta, lalo na yung mga bata,” saad niya.

May komunikasyon pa rin naman daw siya sa lahat halos ng dabarkads.

LESSON LEARNED. Natawa naman si Paolo nang tanungin namin kung may natutunan naman siyang aral sa mga nangyari.

“Bawal ang maldita,” natawang sabi niya.

Sabi namin kay Paolo, hindi ba niya naisip na pairalin ang pride at huwag na lang din bumalik?

“Ay hindi, siyempre walang fried chicken,” mabilis naman niyang sagot.

Katulad niya, ang isa pang host na si Kempee de Leon ay nagpahayag din na wala na rin ito sa Eat Bulaga.

Paglinaw niya, “Ay, hindi ko alam ang usapan nila.

“Hindi rin kami nagkakausap, noong nag-comment lang siya sa Instagram.

“Nasa barangay rin kasi kami, kaya hindi namin alam ang mga nangyayari sa studio.”

HARNESSING HIS MAKEUP TRANSFORMATION TALENT. Sa bagong pelikula niya sa Viva Films na Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend, bading na noong bata pa sila ay may gusto na sa karakter ni Dennis Trillo ang papel ni Paolo rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At nang tumanda na ay naging event planner siya kunsaan naging mag-bestfriend naman sila ni Anne Curtis.

Pero sa isang pelikula niya, nagagamit niya ang kanyang talent sa makeup transformation.

Hanggang saan ang gagawin niya sa pagta-transform niya?

“Ay hangga’t kaya, hangga’t hindi ubos ang make-up,” biro niya.

Siguradong gumagastos siya sa mga make-up na nauubos niya?

Sabi niya, “Oo, ang dami ko... actually yung iba, may nagreregalo.

“Tapos yung mga wigs ang ano... buy talaga.

“Mabilis lang naman, like sa Amazon, tatlong araw lang nandito na.”

GLOBAL ACCLAIM. Nakikilala na internationally si Paolo dahil sa pagta-transform niya sa iba’t ibang celebrities at personalidad.

Aniya, “Well siyempre, hindi ko naman ginu-goal yun.

“Kumbaga, ilang beses na rin nila akong na-feature. Na-feature na rin nila ako dati.

“Nakakatuwa lang, kasi parang kapag nakikita ko na, tapos kamukha talaga, nakakatuwa lang para sa akin.”

Bakit may ganoon siyang satisfaction na nararamdaman sa pagme-make-up at pagta-transform ng mukha niya?

Saad niya, “Hindi ko alam, mga artist kasi ang lahi namin.

“Ang lolo ko, painter.

“Siguro doon ko nailalabas. Tamad kasi akong mag-paint.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN