Heart Evangelista getting better at intimate scenes with Dennis Trillo

Heart Evangelista on intimate scenes with Juan Happy Love Story leading man Dennis Trillo: "Medyo nasanay na ko sa mga kissing scenes dahil dati kasi, medyo hindi ko talaga kaya. Ngayon, okey na ako."


“I’m better!” ang natawang sagot ni Heart Evangelista nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa press visit ng primetime series na Juan Happy Love Story (JHLS) sa New Manila noong July 27.

Sagot ito ni Heart sa tanong namin kung kumusta na ito sa mga intimate o daring scenes nila ng leading man niya sa JHLS na si Dennis Trillo.

Ayon pa kay Heart, “Medyo nasanay na 'ko sa mga kissing scenes dahil dati kasi, medyo hindi ko talaga kaya.

“Ngayon, okey na ako.”

HAPPY WORKING WITH KIM. Kinumusta rin namin kay Heart ang baguhang si Kim Domingo, na kasama niya sa ilang fight scenes.

Lahad niya, “Okey naman kami.

“Very friendly siya, at saka kumportable rin ako sa kanya.

“Kahit nagpa-fight scene kami, very tender siya.

“She’s really nice.”

Hindi rin naman daw niya nakikitang naiilang ito sa kanya.

Paano yun, ang laki sa kanya ni Kim sa mga sabunutan nilang eksena?

“Kaya ‘yan!” natawang sabi ni Heart.

Sabi naman namin kay Heart, posibleng natuwa rin siya dahil parang napunta kay Kim ang mas daring na mga eksena talaga.

Natawang sagot niya, “Yeah, happy ako na naba-balance niya.

“Siya yung taga-todo, ako lang ang taga-initiate. So buti na lang nandiyan si Kim.”

GOOD CHEMISTRY WITH DENNIS. Sa isang banda, natutuwa naman daw si Heart dahil napakarami talagang nagsasabi na maganda ang chemistry nila ni Dennis.

Ayon dito, “May mga taong never ko pang nakikita, sa Twitter.

“May account na first time ko lang nakita na nagsasabing, 'I like you guys.'

“And it’s nice na modern na rin ang thinking ng mga tao.

“Especially ako, I’m married, tapos si Dennis, may something siya.

“Nakakatuwa na nakikinig sila, open-minded.

“Hindi katulad dati na kapag loveteam, kailangan magkatuluyan.”

BIGGEST FAN. Kumusta ang asawa niya na si Senator Chiz Escudero?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa rin ba nitong sinusubaybayan ang serye nila?

“Nanonood siya, ang cute raw!

“Sana raw magkaroon kami ng sitcom. Kasi the story is puwedeng i-sitcom.

“Sabi niya, 'Mag-e-end na kayo, sad naman.'

“Kasi, good vibes siya.”

Hindi rin naman bago kay Heart ang sitcom dahil sa ganoong genre raw siya lumaki.

BUSY WITH OTHER PROJECTS. Pero sa ngayon, posible raw na ang Juan Happy Love Story na ang huling teleserye niya ngayon. Napakarami rin kasing pinagkaka-abalahan ni Heart ngayon na may koneksiyon sa pagpipinta niya.

Nandiyang may bag exhibit siya ng mga paintings niya, may bagong line ng perfume, may ginagawang cookbook at iba pa.

Paano na ang plano nilang honeymoon ni Senator Chiz?

“Yung honeymoon, hindi pa yata.

“Nag-umpisa na siya, e [with Senate work]. Back to reality siya.

“E, ang dami pang nangyayari sa ibang bansa, so okey lang din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN