Harlene Bautista shares secret to enduring marriage to Romnick Sarmenta

IMAGE Rommel Gonzales

Harlene Bautista shares secret to rock-solid marriage to Romnick Sarmenta: "Siguro dahil we married for the right reason—na gusto namin na kami yung magkasama habang buhay, hanggang pagtanda."


Seventeen years nang mag-asawa sina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista.

Ano ang sikreto ng magandang samahan nila?

“Siguro dahil we married for the right reason—na gusto namin na kami yung magkasama habang buhay, hanggang pagtanda.

“Kasi yung mga anak namin, lalaki, magkakaroon ng sariling buhay, yung spark na sinasabi, nawawala talaga 'yan.

“Yung kilig nawawala talaga 'yan. So kami, alam namin, siya yung gusto kong makasama habambuhay.

“So I think that’s the right reason,” pahayag niya.

Kaya naniniwala si Harlene na may forever?

“Oo naman! Sa amin pa lang meron na,” natatawa niyang pagkumpirma.

Nag-away na rin naman daw sila, pero bago sila matulog ay inaayos nila ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Sabi pa niya, “Walang bongga na ano, yung medyo nagtaas lang ng boses na... hindi naman yung murahan.

“Hindi kami nagmumurahan, hindi kami nagmumura, e.

“Pero siguro mga tatlong beses pa lang nangyari yun.”

NOT THE JEALOUS TYPE. May tsismis na ayaw ni Harlene magkapareha sa isang proyekto sina Romnick at dating ka-loveteam (at karelasyon) nitong si Sheryl Cruz.

“Ako nga ang nanunukso kay Romnick!” ang tumatawang bulalas ni Harlene.

“Lagi ko nga siyang, ‘Sige na, mag-partner na kayo!’

“Ako nga nagtutukso lagi.”

Kaya hindi raw totoo ang tsismis.

Okay daw sila ni Sheryl.

“Oo naman! Oo. Yun nga lang hindi kami nagkikita pero last time nagkita kami, matagal na,” pahabol ni Harlene.

NO POLITICAL PLANS. Si Romnick ba ay walang planong pasukin din ang pulitika?

Aniya, “Hindi ko alam, e.

“Siguro yung mga ganun, baka sila ni Kuya Herbert ang mag-uusap, kung anuman.

“I think siya yung tipong naniniwala na hindi mo kailangan ang posisyon para tumulong, parang ganun.

“But if siguro kung tanungin siya, or magkaroon ng opportunity or ano, baka naman… I don’t know, hindi ko alam, e.”

Papayagan ba niya si Romnick, kung sakali?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Ako kasi lumaki ako dito e [sa mundo ng pulitika], so parang ako, nakita ko na okay naman siya.

“Kasi parang... higher service siya, e.

“Na parang you’re given the... parang advantage, na talagang makapagserbisyo ka on a larger scale, di ba?”

FAMILY OF POLITICIANS. Lumaki sa pamilya ng mga pulitiko si Harlene.

“Tatay pa lang namin, Baranggay Captain, Councilor, so tipong parang mga... ewan ko, nine years old, ten years old?

“Parang sanay na ako sa nakikita ko sa bahay, pumupunta yung mga tao, hihingi ng tulong o kaya mag-aaway, magrereklamo, o kaya binugbog, dinala sa bahay. Mga ganun,” at tumawa si Harlene.

“So parang iyon na, sanay na talaga ako. Kumbaga, nasa dugo na rin namin, nasa sistema na namin.”

Hindi kaya si Harlene ang may tsansa na pasukin ang pulitika?

Saad niya, “Sa dami ng ginagawa ko? Hindi ko alam.

“Hindi ko masabi, ayokong magsalita nang tapos.

“Kasi dati rin naman akong Sangguniang Kabataan Chairman so ayokong magsabi na hindi, hindi ako tatakbo.

“So hindi ko alam.”

PROJECTS. Sa ngayon ay aktibo si Harlene sa Quezon City Ladies Foundation na tumutulong sa mga kababaihan ng Quezon City.

Ano ang bagong project ng Heaven’s Best Entertainment?

Lahad niya, “Sa ngayon, nasa stage kami na pumipili kami ng projects.

“Kasi may mga lumalapit sa amin, ganyan, so pinipili namin kung ano yung magpi-fit sa amin and yung tingin namin e makakatulong din kami.”

Ang huli nilang proyekto ay ang pelikulang Lumayo Ka Nga Sa Akin na co-prod nila sa Viva Films.

Ginawa rin nila ang Hiblang Abo para sa Cinemalaya at ang musical play na Larawan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN