Jessy Mendiola on barrage of hate comments: "I think I'll just have to suck it up!"

IMAGE Mark Atienza

Jessy Mendiola: "We have our own opinion, but for me, whenever... before I post something online, I think about the people whom I'm gonna hurt. I guess, let's just... we can all post whatever opinion we want to post or our views, our ideas, kaya lang sana, let's all be responsible, too."


“Well, I think I'll just have to suck it up!”

Ito ang nakangiting sagot ni Jessy Mendiola sa tanong ng TV reporter na si MJ Felipe, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kung paano niya hina-handle ang iba't ibang intriga tungkol sa kanya nitong mga nakaraang linggo.

Pinag-uusapan kasi ngayon ang tungkol sa diumano'y relasyon nila ni Luis Manzano, ang pamba-bash sa kanya bilang FHM's Sexiest Woman sa taong ito, at ang tungkol sa kanila nina Pia Wurtzbach at Angel Locsin.

Dagdag pa ni Jessy, “Wala, I'm just being strong.

“I've read not only the comments… I've read a lot of articles, blogs, mixed opinions and everything.

“So, yeah, I think I've read a lot.”

Ano ang reaksiyon niya sa mga nabasa niya?

Pahayag ng 23-year-old actress, “We have our own opinion, but for me, whenever... before I post something online, I think about the people whom I'm gonna hurt.

“I guess, let's just... we can all post whatever opinion we want to post or our views, our ideas, kaya lang sana, let's all be responsible, too.

“I mean, sa panahon ngayon, whatever, randomly, kung may masasamang comments o bashing, binibisita ko yung profile.

“And you could see na as young as ten years old, as young as thirteen years old...

“So, I think, let's put aside the hate and the bashing, let's all be more responsible.

“Not only for us, our actions, our words, but also for the future generation.”

Dagdag pa ni Jessy, “Ang dami nang... like, my younger sister, she just turned eighteen, she grew up...

“Alam mo, ang mga millennials ngayon, di ba? Techie na, social media, lahat sila connected na.

“Kumbaga, for me, do we really want our future generation to be like that? Our kids? Our relatives?"

Nakausap ng PEP si Jessy sa Star Magic 24th anniversary photo shoot, na naganap sa 4th floor ng ELJ Building, sa loob ng ABS-CBN compound, nitong Linggo, July 31.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON PIA WURTZBACH. Sa puntong ito ay napag-usapan naman ang tungkol sa pagdedepensa sa kanya ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

May kinalaman ito tungkol sa naging komento ni Jessy na “tinalo ko pa si Pia Wurtzbach” matapos siyang hirangin bilang FHM's Sexiest Woman for 2016.

Read: Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach defends Jessy Mendiola

Ano ang masasabi niya rito?

Nakangiting tugon ng Kapamilya actress, “Exactly, si Pia nga… I messaged her nga, e.

“Para kasi sa akin, at that moment, nag-joke na ako para bang, 'Shucks, talo ko pa si Pia sa trato sa akin ngayon.'

“Kumbaga, what I meant was, yung context na grabe yung overwhelming feeling, na grabe yung trato niyo sa akin bilang parang queen na rin.

“‘Grabe, ha, talo ko pa yung…’ Ganun yung bitaw ko. 'Grabe, ha, talo ko pa si Pia, sa pagiging warm niyo sa akin.'

“That was just that.

“Yeah, it was taken out of context.”

Patuloy niya, “Nung mabalitaan ko nga, yung ma-bash ako, parang natatawa na lang ako.

“Parang, 'Really? Ganun yung nakita at narinig... yun?'

“Parang wala naman akong sinabing sobrang sama, na parang magalit ang taumbayan sa akin.”

Ano ang naging usapan nila ni Pia matapos niya itong padalhan ng mensahe?

Ani Jessy, “She's busy right now, di ba?

“Tapos, I asked some of my friends, na friends din niya, na to extend my gratitude.

“Ang sweet nga niya to tweet that.

“Kasi, parang... kung siya nga, nakita niyang as a joke yun, e, bakit other people won't see that as a joke, too?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN