Mutya ng Pilipinas Asia-Pacific International 2016 Ganiel Akrisha Krishnan to pursue news reporting

IMAGE Noel Orsal

Mutya ng Pilipinas Asia-Pacific International 2016 Ganiel Akrisha Krishnan on joining Mutya ng Pilipinas after 2nd runner-up finish in Miss Manila 2016: "Hindi ako nag-e-expect ng anything, ginagawa ko talaga yung best ko. Wala talaga akong pinatutunayan. Gusto ko lang talaga na makakuha ng experience, to be able to influence other people. Yun talaga ang habol ko."


Pangarap ng newly-crowned Mutya ng Pilipinas Asia-Pacific International 2016 Ganiel Akrisha Krishnan na maging television news reporter kaya Mass Communication ang kinuha niyang kurso sa Far Eastern University.

Bago naging beauty queen ay isang courtside reporter si Ganiel sa UAAP.

Saad niya, “Being a courtside reporter, good experience siya sa akin, lalo na ngayon, I’m a Mass Communication student and I really want to pursue my career dito sa reporting.

“Yun talaga ang gusto ko, maging television personality o reporter, crime reports, news reports.

Bago nanalo sa Mutya ng Pilipinas 2016, na ginanap sa Newport Performing Arts Theater, sa Resorts World Manila, noong Sabado, July 30, sumali si Ganiel sa Miss Manila 2016.

Siya ang ibinoto na Darling of the Press at hinulaang mag-uuwi ng korona, pero second runner-up ang naging puwesto niya, na ikinadismaya ng kanyang mga supporter.

Pahayag ni Ganiel tungkol sa runner-up finish niya sa Miss Manila, “Okey naman sa akin, walang bad feelings.

“Kasi si Cristelle Tolentino, Miss Manila 2016, she’s a roommate, tapos nakita ko na talagang deserved niya yung crown.

“Her attitude, the way na makipag-usap siya sa amin, talagang mabait po siya.

“I have no bad feelings against her.

“Ang pagsali sa Miss Manila 2016 ang nagbigay sa akin ng confidence. Kaya ko pala to compete, why not try again?”

Kuwento pa ni Ganiel, gusto muna raw sana niyang magpahinga at mag-concentrate sa pag-aaral pagkatapos sumali sa Miss Manila 2016, pero muli siyang kinumbinsi na sumali sa Mutya ng Pilipinas.

“Nung nagkaroon ng screening sa Mutya ng Pilipinas noong July 3, I joined.

“Actually late na ako, wala talaga akong plans to join.

“I was really tired, galing sa Miss Manila, that was one month na talagang tuluy-tuloy ang activities.

“But then, my handler asked me to join, kaya ko raw ito. And sa experience ko sa Miss Manila, I think I can bring it here.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, “Medyo big ang competition na ‘to and a national pageant.

“Hindi ako nag-e-expect ng anything, ginagawa ko talaga yung best ko.

“Wala talaga akong pinatutunayan.

“Gusto ko lang talaga na makakuha ng experience, to be able to influence other people.

“Yun talaga ang habol ko.”

Tulad sa Miss Manila 2016, siya uli ang ibinoto na Darling of the Press sa Mutya ng Pilipinas 2016.

Sa pamamagitan naman ng kanyang Instagram account, nagpasalamat si Ganiel sa lahat ng mga sumuporta sa kanyang pagkapanalo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN