Ken Chan on bashers: "Mas marami pang importanteng bagay kesa pumatol."

IMAGE Noel Orsal

Ken Chan said many bashers threw many allegations his way, such as having no talent, being gay, and having a gay benefactor, among others. However, Ken said that silence is the best way to deal with bashers.


Aminado ang Kapuso actor na si Ken Chan na kagaya ng ibang artista, biktima rin siya ng cyberbullying.

Bukod sa pagdududa sa kanyang sekswalidad, minaliit din ang kanyang kakayahan bilang artista at pinagbintangan pang may gay benefactor diumano siya.

Sabi ni Ken, “Lalo na nung nag-uumpisa ako sa showbiz, na-bully ako.

“Sabi nila, wala raw akong mararating. Sino ba naman ako, bigla lang daw sumulpot.

“Wala raw akong kuwentang umarte. One of those na naman daw.

“Masakit nung una. Kasi, bilang baguhang artista, mapanghihinaan ka ng loob.

“Tsaka di naman ako sanay sa showbiz nung nag-uumpisa ako.”

Nang gampanan niya ang papel ng isang transgender sa afternoon series na Destiny Rose, marami naman ang pinagdudahan ang tunay na kasarian ni Ken.

“Meron pa nga nun, nung gumaganda na ang takbo ng career ko, nakabili ako ng bahay ko.”

Na-feature daw ang bahay ng Kapuso actor sa iba't ibang shows sa GMA-7

“So, marami nagsasabi nun na kabagu-bago, nagkaroon agad ng bahay. ‘For sure, may nag-aalaga sa kanya na gay benefactor.’

“Di ako nasasaktan dun, nasasaktan ako for my family.”

Pagpapatuloy ni Ken, “Hindi naman totoo yun, kasi pera ng parents ko yun at pera ko, pinagsama namin.

“Napakaliit na bagay, hindi yun dapat pagtuunan ng pansin.

“Hindi ko ipinapakita sa mga magulang ko na nanghihina ako.

“Hindi lang ako ang nabu-bully ng ganyan, mas may grabe pa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang bloggers si Ken sa blog conference ng kanyang upcoming concert na My Destiny, na gaganapin sa Zirkoh Tomas Morato, Quezon City, sa August 19.

MEETING HIS BASHERS. Sinabi ni Ken na walang sinisino ang netizens ngayon at nagkukubli ang mga ito sa mga pekeng identity upang makapang-bash ng ibang tao.

Inamin ni Ken na may mga pagkakataon na na-meet niya ang kanyang bashers.

“Kunwari ako, may nang-bully sa akin, sobrang binu-bully niya ako sa Internet, kung anu-ano ang sinasabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nung nakaharap ko siya, andiyan siya. Tahimik siya. Tameme.

“Yun yung sinasabi ko, parang naka-mask sila.

“Yun yung pinanghahawakan nilang kapangyarihan, yung Internet.

“Pero kapag kaharap mo sila, pag andiyan na, ‘Uy, kamusta? Ginaganun ko sila.”

Kuwento pa ni Ken, nakapag-uusap daw sila ng mga kapwa niya artista at kung paano ang epektibong pakikitungo sa bashers.

“Nag-usap-usap kaming magkaka-close, hindi na lang daw nila pinapansin. Bakit pa?

“Ang pinakamagandang gawin mo, bilang celebrity ka, pinaka-panlaban mo sa kanila is silence.

"Mas maiinis sila pag di mo sila papansinin.

“Yung iba, ginagawa nila yun para magpapansin.

“Mas marami pang importanteng bagay na puwede mong gawin kesa pumatol sa opinyon ng iba, sa mga bashers.”

Hindi rin daw nagba-block o sumasagot sa mga basher niya si Ken.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN