Mr. Chinatown 1st runner-up David Licauco dismisses rumors linking him to Vice Ganda

IMAGE Noel Orsal

Mariing itinanggi ni Mr. Chinatown 2014 first runner-up na si David Licauco na nagkaroon sila ng relasyon ni Vice Ganda. Magkaibigan lang daw sila at grupo sila kung gumimik.


Taong 2015 nagsilabasan ang balitang diumano’y ang boyfriend ng It’s Showtime host na si Vice Ganda ay ang Mr. Chinatown 2014 first runner-up na si David Licauco.

Kaya naman sa contract signing niya bilang bagong Regal Baby, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si David tungkol dito.

Paglilinaw niya, “Hindi ako yun, hindi ako yun.

“I mean, na-link kami, pero kasi sinasabi nila Mr. Chinatown, di ba?

“Friends, friends lang...

“Noong umpisa, sinabi sa amin [ni Kurt Joshua Ong, Mr. Chinatown 2014] na... Vice Ganda is willing to help us in showbiz.

“Parang sabi lang niya na i-help niya kami. I mean, wala naman talagang relationship na nangyari or whatever.”

Pero nagkaka-text ba sila?

Tugon ni David, “Hindi naman, nag-i-invite siya kunyari na kung anong balak sa weekends. 'Uy, ano tayo, Valkyrie.' Pero marami kami, grupo.

“Hindi naman yung parang aalis kami on a date... na kaming dalawa lang sa Valkyrie or whatever.”

Kailan ang huling pagkakataong nag-communicate sila ni Vice sa isa’t isa?

“Kailan ba? Nung Christmas, nag-'Merry Christmas' ako sa kanya.

“Parang ganun, hindi naman yung parang… di ba, meron naman siyang boyfriend?

“So, hindi naman niya kami binoyfriend.

“More like of ano lang, friends-friends lang talaga.”

Maliban kay David, na-link din si Vice kina Mr. Chinatown 2014 winner Kurt Joshua Ong at Mr. Chinatown 2014 2nd runner-up Timothy Lawrence Yap.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si David sa contract signing nila ng kapwa niya ALV Talents na sina Chanel Morales, Danielle Lee, at Jerico Estregan bilang bagong batch ng Regal Babies para sa taong 2016.

Ginanap ang contract signing noong Biyernes, July 29, sa Valencia Events Place, Valencia, Quezon City.

EYEING JULIA BARRETTO. Sinu-sino naman ang mga gusto niyang makatrabaho ngayong unti-unti na niyang na-penetrate ang mainstream showbiz mula sa pagiging modelo?

Sagot ni David, “Gusto ko talaga si Julia Barretto, kasi ang ganda niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka ang ganda ng dating niya, ang sosyal-sosyal niya.

“Siya yung kumbaga makita ko sa labas na, ‘Uy, type ko ‘to.’”

Biro pa niya, “Tsaka parang bagay kami.”

Saang genre niya nais malinya?

Aniya, “Gusto ko comedy kasi mahilig ako magpatawa sa mga barkada. Gusto ko rin mga inspirational stories.”

Single daw ngayon ang 21-year-old De La Salle University graduate.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN