ER Ejercito accuses former President Noynoy Aquino of 'masterminding' Oplan: Asiong

IMAGE Noel Orsal

Hindi pa rin bumibitaw si ER Ejercito sa kanyang laban upang magkaroon ng recall election sa Laguna. Pakiramdam daw niya, dalawang beses siyang nabiktima ng Oplan: Asiong ng dating gobyerno ni Noynoy Aquino.


Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ang dating gobernador ng Laguna na si ER Ejercito na mapagbigyan ng korte ang kanyang inihaing electoral protest.

Ilang buwan matapos ang halalan at maideklara ang mga nanalo sa Laguna, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang actor-turned-politician na muling makapagsilbi sa kanilang lalawigan.

Pahayag ni ER, “Hopefully ay mapagbigyan tayo sa ating electoral protest.

“Nasa atin naman lahat ng ebidensiya, nalito ang tao because of… confusion, e.

“Dalawa ang Ejercito, kapangalan ko pa ang anak ko, so nalito ang tao, dalawa ang binoto.”

Matatandaang naging magkatunggali sa posisyong gobernador ng Laguna ang mag-amang sina Emilio Ramon Ejercito (ER) Jorge Antonio Ejercito (Jerico) at matapos hindi mabura ng Commission on Elections ang pangalan ni Jerico sa balota.

Kaya naman daw nahati ang boto niya at ang iba ay napunta sa kanyang anak.

Paratang pa ni ER, “Meron kaming ano ngayon electoral protest dahil dalawang beses akong in-operate ng Oplan: Asiong ng Comelec, na inutos ni Noynoy Aquino kay Sixto Brillantes at kay Chairman Andy Bautista na tanggalin ako for overspending out of more than 1,000 plus overspending cases.

“Lahat sila ay pinagbayad lang ni Noynoy Aquino at ng Comelec ng fine, penalty na cash.

“Ako lang mag-isa ang tinanggal for overspending.

“So, selective injustice.

“Personal ang galit sa akin ni Noynoy Aquino dahil tinalo ko si Joey Lina na tuta ng Liberal Party noong 2010.

“Noong 2013, tinalo ko ulit ang isang tuta ng Liberal na si Egay San Luis.

“So, dalawang partymates ang tinalo ko, kaya personal ang galit sa akin ni Noynoy Aquino.

“Kung matutuloy ang special elections, dalawa na lang silang maglalaban-laban nung nanalong governor na si Ramil Hernandez.”

Gusto raw niyang patunayan, sa pamamagitan ng electoral protest, na mahal pa rin siya ng mga taga-Laguna.

Saad ni ER, “Hindi ko matanggap, e, kasi sa lahat ng surveys [nangunguna ako], Pulse Asia (60-40), SWS (70-30), pati survey ni Manny Pangilinan, ganun din, 70-30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malaki ang lamang ko sa lahat ng mga surveys.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si ER sa contract signing ng anak nitong si Jerico Estregan sa Regal Entertainment noong Biyernes, July 29.

Si Jerico ay isa sa mga inilunsad na Regal Babies 2016; kasama sina Danielle Lee, Chanel Morales, at David Licauco.


STAGE FATHER? Mistulang stage father ni ER sa pagsama sa kanyang panganay na si Jerico sa contract signing.

Kitang-kita sa mukha nito ang kasiyahan para sa anak.

Bakit ‘Estregan’ ang ipinagamit niyang screen name kay Jerico?

Paliwanag ni ER, “Yun ang bilin ng lola ko, e, ayaw niyang ipagamit sa pelikula ang Ejercito. Gusto niya kapag pelikula, Estregan.”

Sa ngayon daw, tatlong pelikula nila ng anak ang isinumite sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF): Alyas Ben Tumbling: Robinhood ng Malabon, Amalanhig: The Vampire Chronicle, at SAF44.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN