Bayani Agbayani to run in 2019 elections?

IMAGE Noel Orsal

Bayani Agbayani: "Ever since, ang daming nagpapatakbo sa akin sa politics, ayoko! Hindi po ako naniniwala na nagkaroon tayo ng magandang eleksyon, na malinis. Palagay ko ngayon pa lang…sa pamumuno ni President Duterte."


Araw ng unang State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang komedyanteng si Bayani Agbayani sa set ng comedy show nila ni Karla Estrada, ang Funny Ka, Pare Ko, na napapanood sa Cine Mo! channel.

Solid supporter si Bayani ng pangulo, kung nagkataong wala siyang taping that day, dadalo kaya siya sa SONA?

“Ako kasi, pagka nakapag-support na ako, tapos nakita ko na maganda yung kinalagyan ng tao…

“Parang kay Kuya Jinggoy [Estrada], nakikita niya ako lagi sa Crame ngayon.

“Pero nung senador siya, hindi naman kami nagkikita.

“Lagi akong kung down yung tao, nandun ako, e.

“Pagka nandun na siya sa tugatog ng tagumpay, kumakalas na ako.

“Ganun ang ugali ko, e,” saad niya.

Hindi naman siya umaasa ng posisyon mula kay Pangulong Duterte, pero ano ang isasagot niya sakaling tanungin siya kung ano ang posisyon na gusto niya?

“Vice president!” ang tumatawang pagbibiro ni Bayani. “Vice president… ng isang kumpanya!

“Hindi, wala, kasi talagang ang passion ko, magpatawa, e, sa harap ng kamera.

“Palagay ko hindi ako mag-e-excel kung hindi ko pag-aaralan yung position na gusto kong makuha.

“Kasi ever since, ang daming nagpapatakbo sa akin sa politics, ayoko!

“Hindi po ako naniniwala, sorry, ha, na nagkaroon tayo ng magandang eleksyon, na malinis.

“Palagay ko ngayon pa lang... sa akin po yun, ha, iyon po ang personal kong pananaw.

“Palagay ko ngayon pa lang, sa pamumuno ni President Duterte.“

So, may posibilidad na tumakbo siya sa susunod na local election, sa 2019?

“Bahala na, pero mag-aaral ako sa University of the Philippines ng Public Administration.

“Dahil gusto ko po, mag-aaral lang po ako, pero hindi naman po ako tatakbo.”

At paghahandaan niya kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataong tumakbo?

“Kung sakali na may mangyari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN