Liza Diño alarmed by 'drug-related killings': "Talaga? Lahat ng pagpatay ngayon, drug related?"

IMAGE Noel Orsal

Liza Diño: "Kung lahat ng mga napapatay tinatawag ninyong 'extra judicial killing' at 'drug-related incident' e, lalong hindi magkakaroon ng hustisya sa pagresolba ng krimen dahil titingnan lang ang pangyayari as a drug-related case."


Isang mahabang post ang ibinahagi ng beauty queen-turned-actress na si Liza Dino sa kanyang Instagram account tungkol sa halos araw-araw na balita tungkol sa mga taong napapaslang na may kinalaman diumano sa droga.

“Lahat ng pagpatay ngayon drug-related? Lahat na lang mistaken identity?” bahagi ng post ng aktres sa social media.

Sa nasabing post, inilagay ni Liza ang link ng article tungkol sa isang babaeng napaslang sa Makati City noong July 21.

Hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa pagbaril sa babae ng di pa natutukoy na suspek.

Pero ang ikinababahala ni Liza ay ang pag-iisip ng ibang netizens na ang pagkamatay ng babae ay may kinalaman sa droga.

Saad niya, “Sa tingin ninyo makakatulong kayong maresolba ang mga kasong ganito by attributing every single killing incident as ‘drug-related’?

“Talaga? Lahat ng pagpatay ngayon drug related? Lahat na lang mistaken identity?”

Ayon pa sa aktres, walang may gusto ng karahasan at sa mga kaso ng pagpatay.

Pero hinaing niya, tila lahat na lang ng napapabalitang pagpatay ngayon ay inuugnay sa droga.

“Pero kung lahat ng mga napapatay tinatawag ninyong ‘extra judicial killing’ at ‘drug-related incident’ e, lalong hindi magkakaroon ng hustisya sa pagresolba ng krimen dahil titingnan lang ang pangyayari as a drug-related case. Bakit?

“Hindi na pwedeng isolated incident ang mga nagaganap at doon magsimula ang imbestigasyon?”

Dugtong pa ni Liza, “At please, respeto naman sa mga biktima na hindi involved sa drugs dahil ngayon branded na sila kahit pwede namang tingnan in a different perspective ang pangyayari.

“Pero ngayon, in-assume na, na may kinalaman sa droga dahil in-associate silang bigla sa drugs. So ngayon, sa isang anggulo lang titingnan ang mga kaso.“

Mungkahi ni Liza, “Why not treat everything as an isolated case until proven otherwise?

“Imbestigahan. Exhaust all possibilities bago pa man i-consider na drug-related.”

Naniniwala ang partner ni Aiza Seguerra na ang kakulangan ng imbestigasyon at impormasyon ang dahilan ng pagkakaroon ng takot sa sambayanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tayo rin ang gumagawa ng sarili nating multo. Dahil hindi kumikilos para imbestigahan ang mga ‘mistaken identity.’”

Ang pag-assume daw na ang mga kaso na patayan ay may kinalaman sa droga ay iresponsable.

“Ngayon, ang daling paniwalain ang mga tao na any random person can be killed.

“Iresponsable rin naman yata ang pagpalaganap ng thinking na ganon.

“No leads. No motives. Eh pano, in-assume na agad na dahil sa droga kaya namatay.”

Paglilinaw ng aktres, ang gusto lamang niya ay magkaroon ng tamang imbestigasyon at tamang impormasyon.

“Pero hindi ko sinasabing imposibleng hindi drug-related. Please, wag mag-assume.

“All I’m saying is, investigate before we conclude na lahat ‘to dahil sa drug war.”

Himutok ng aktres, “It's quite amusing dahil parang ngayon, lahat nakaantabay sa bawat bilang ng mga nasasawi.

“May tally pa ng ‘killings’ samantalang even before this drug war started -INNOCENT PEOPLE ARE GETTING KILLED EVERYDAY. Bakit walang tally no'n?”

Ibinigay pa niyang halimbawa ang kaso ng mga inosenteng Lumad na nasawi noon pero walang nagbibilang.

Sa tingin ninyo makakatulong kayong maresolba ang mga kasong ganito by attributing every single killing incident as "drug related"? Talaga? Lahat ng pagpatay ngayon drug related? Lahat na lang mistaken identity? Sino ba ang may gusto ng karahasan? Lahat tayo malungkot sa mga nababalitang patayan. Pero kung lahat ng mga napapatay tinatawag ninyong "extra judicial killing" at "drug related incident" eh lalong hindi magkakaroon ng hustisya sa pagresolba ng krimen dahil titingnan lang ang pangyayari as a drug related case. Bakit?Hindi na pwedeng isolated incident ang mga nagaganap at doon magsimula ang imbestigasyon? At please, respeto naman sa mga biktima na hindi involved sa drugs dahil ngayon branded na sila kahit pwede namang tingnan in a different perspective ang pangyayari. Pero ngayon, inassume na na may kinalaman sa droga dahil inassociate silang bigla sa drugs. So ngayon, sa isang anggulo lang titingnan ang mga kaso. Why not treat everything as an isolated case until proven otherwise? Imbestigahan. Exhaust all possibilities bago pa man iconsider na drug related. Kaya lalong natatakot ang sambayanan. Tayo rin ang gumagawa ng sarili nating multo. Dahil hindi kumikilos para imbestigahan ang mga "mistaken identity". Ngayon, ang daling paniwalain ang mga tao na any random person can be killed. Irresponsable rin naman yata ang pagpalaganap ng thinking na ganon. No leads. No motives. Eh pano, inassume na agad na dahil sa droga kaya namatay. Pero hindi ko sinasabing imposibleng hindi drug related. Please, wag mag-assume. All Im saying is, investigate before we conclude na lahat to dahil sa drug war. It's quite amusing dahil parang ngayon, lahat nakaantabay sa bawat bilang ng mga nasasawi. May tally pa ng "killings" samantalang even before this drug war started -INNOCENT PEOPLE ARE GETTING KILLED EVERYDAY. Bakit walang tally no'n? Lumad killings? I post here everyday. Inosente rin sila. Pero bakit walang nagbibilang? http://www.rappler.com/nation/141405-lauren-rosales-makati-death-justice

A photo posted by Liza Dio-Seguerra (@lizadino) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN