Piolo Pascual gets bashed by LizQuen fans over his statement about Liza Soberano

IMAGE Mark Atienza

Piolo Pascual clarifies that his statement in an interview about Liza Soberano was taken out of context. He says, "Parang sinasabi na gusto ko raw si Liza kasi bata, ganito, ganyan. Sabi ko nga, you know what, hindi naman ako ganun magsalita, may buntis-buntisan pa. Of course, yung mga walang magawa na mga netizens would just say things na hindi nila iniisip na nakakasakit sila. Minsan mapipikon ka talaga."


Nababahala si Piolo Pascual sa pambabatikos na natatanggap niya mula sa netizens, parikular na ang ilang avid LizQuen fans, dahil sa sinabi niya sa isang panayam na humahanga siya sa kagandahan ni Liza Soberano at nais niya itong makapareha sa isang proyekto.

Saad ni Piolo tungkol sa isyu, “Actually na-bother ako these last few days kasi nga bumalik ako sa Instagram dahil kailangan.

“May mga nagta-tag sa akin, inaaway ako, kasi I think my answer is taken out of context.

“Parang sinasabi na gusto ko raw si Liza kasi bata, ganito, ganyan.

“Sabi ko nga, you know what, hindi naman ako ganun magsalita, may buntis-buntisan pa.

“Of course, yung mga walang magawa na mga netizens would just say things na hindi nila iniisip na nakakasakit sila.

“Minsan mapipikon ka talaga.”

Kuwento pa ng Kapamilya matinee idol, “Nag-sorry ako kina Liza at Quen [Enrique Gil], sabi ko, hindi ako mandadawit ng ibang tao para sa ikauunlad ng career natin.

“Sabi ko, na-interview ako, pero hindi ako manyak.

“Minsan ang mga tao wala sa lugar mag-isip, tapos yun pa ang pini-pick up nila.

“Sabi ko, nakakailang tuloy na makikita ko yung dalawa kanina, pero si Liza pa yung nag-approach sa akin.

“Sabi niya, ‘You know, I heard si Ate Anna,’ handler niya, ‘na nagpapa-sorry ka.’”

Saad pa ni Piolo, “I just don’t want you to take things out of context, hindi ako ganun magsalita para sabihin ko na gusto ko si Liza kahit nandiyan si Quen.

“Sabi ko, ang mga tao talaga, walang maisulat na maganda, kaya minsan poprotektahan mo ang sarili mo na lang, magbubulag-bulagan ka na lang.

“Pero, yun nga, you choose your battles.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Piolo sa pictorial ng Star Magic artists para sa 24th anniversary ng talent arm ng ABS-CBN, nitong Linggo, July 31.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

USE OF SOCIAL MEDIA. Tatlong buwang namahinga si Piolo sa social media.

Sa palagay ba niya ay mas mabuting umiwas na siya nang tuluyan sa social media kaysa puro pamba-bash ang tinatanggap niya mula sa ibang tao?

Saad ni Piolo, “Better sana kundi pina-fabricate yung sinasabi mo, yung hindi iibahin.

“Kasi parang ang labas, galing sa bibig mo.

“If it’s like this, wala silang masasabi na sinabi mo.

“If it’s up to me? Yeah, ayoko talaga mag-social media kaya nagpahinga ako ng three months.

“Pero kinausap ako ng mga kaibigan ko, ng mga kasama ko sa Spring Films na kailangan ko yun because of my work, and because my contractual obligations sa mga endorsements ko.

“Pero left to myself, yeah, if I have a choice.”

Patuloy niya, “Naka-private na nga ako, e, gumawa ako ng panibagong account.

“Sabi nila, kailangan ko sa trabaho ko yun because that’s part of my job, part of my promotions.

“Okay, bumalik ako, pero yun nga, nata-tag ka.

“Siyempre nag-i-scroll ka, pero mababasa mo pa rin.

“Sana nga hindi ka na lang i-tag, di ba?

“Yun mga ganun, ang sarap sanang iwasan pero, you know, by chance, nakikita mo.

“Ang hirap, pero dasal na lang siguro tapos block na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN